Sama-samang pananalangin sa kagalingan ni Pope Francis, isasagawa ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,506 total reads

Hinikayat ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang mga mananampalataya na makiisa sa pananalangin para sa agarang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa inilabas na liham-sirkular, nanawagan si Archbishop Garcera sa mga pari, relihiyoso, at mga layko na mag-alay ng Banal na Misa, panalangin ng Santo Rosaryo, at mga personal na panalangin upang makamit ng Santo Papa ang mapagpagaling na presensya ng Panginoon Hesukristo.

“As we celebrate the Jubilee of Hope, may Pope Francis be restored to full health that he may continue his mission of spreading the Gospel and fostering unity among God’s people through the intercession of Our Lady of Caysasay, our Queen and Mother, and St. Joseph, patron saint of our Archdiocese,” ayon kay Archbishop Garcera.

Kalakip naman ng liham ang Panalangin para kay Papa Francisco na uusalin sa lahat ng mga Misa pagkatapos ng post-communion prayer.

PANALANGIN PARA KAY PAPA FRANCISCO

Mapagmahal na Diyos,

Hinihiling namin na pagpalain mo ang iyong lingkod na si Papa Francisco, na naglingkod sa iyo bilang isang Heswita, isang pari, isang arsobispo, isang kardinal, at ngayon bilang isang papa.

Higit sa lahat, naglingkod siya sa iyo bilang isang tapat na Kristiyano, ibinabahagi ang pag-ibig, awa, at habag na ipinakita ng iyong Anak sa lahat ng kanyang nakatagpo, lalo na sa mga mahihirap at nahihirapan.

Habang hinaharap ni Papa Francisco ang panibagong sakit na ito, pagpalain mo ang mga doktor at nars na nag-aalaga sa kanya, bigyan mo siya ng lakas upang matiis ang anumang sakit nang may biyaya, at pagalingin mo siya nang mabilis.

Hinihiling namin ito sa iyong Banal na Pangalan. Amen.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Archbishop Garcera ang sama-samang pananalangin at pag-aalay ng Banal na Misa para sa kagalingan ni Pope Francis sa Minor Basilica & Parish of the Immaculate Conception and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño ng Batangan, Batangas City.

Samantala, kasunod ng panawagan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hinimok din ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang bawat isa na magsagawa ng mga pagtitipon, tulad ng Banal na Oras, para sa ganap na kagalingan ni Pope Francis.

“I kindly request all parishes, religious, and Christian communities to organize prayer periods, like gathering the faithful for Holy Hours for the healing of the sick most especially, Pope Francis. May the Lord, who is the source of healing, constantly renew us for mission,” ayon kay Bishop Evangelista.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang 88-taong gulang na Santo Papa sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma upang sumailalim sa karagdagang gamutan matapos makitaan ng bilateral o double pneumonia sa baga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 156,828 total reads

 156,828 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 188,556 total reads

 188,556 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 290,380 total reads

 290,380 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 330,939 total reads

 330,939 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 344,965 total reads

 344,965 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 140,729 total reads

 140,729 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top