Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SAMBI, paiigtingin ng ZamBaZulI

SHARE THE TRUTH

 662 total views

Paiigtingin ng mga diyosesis sa timog-kanlurang bahagi ng Mindanao ang pagtulong sa mga mahihirap partikular na sa mga katutubong Badjao.

Ito ay sa pamamagitan ng Social Action Ministry Barter Initiative (SAMBI) na programa ng Arkidiyosesis ng Zamboanga, Prelatura ng Isabela de Basilan, Apostolic Vicariate ng Jolo, Sulu, at ang Diyosesis ng Ipil (ZamBaSulI) na inihalintulad sa kindness station ng Caritas Philippines.

Ayon kay Jolo social action director Fr. Raul Veneracion, layunin ng SAMBI na pakainin ang mga nasa mahihirap na pamayanan lalo na ang mga Badjao na likas na naninirahan sa Mindanao.

“Kung pupunta po kayo sa lugar namin especially sa Sulu and Tawi-Tawi, wala kayo ni isang Badjao na makikita na malaki ang tiyan at mataba. Karamihan ng makikita niyo ay payat. Bakit? Hindi po balanse ang kanilang pagkain,” ayon kay Fr. Veneracion sa ginanap na 40th National Social Action General Assembly (NASAGA) sa General Santos City, South Cotabato.

Batay sa tala ng Social Weather Station, umabot sa 13-porsyento ang bilang ng mga nagugutom na pamilya sa Mindanao sa unang bahagi ng 2022.

Mas tumaas pa ito kumpara sa nakalipas na pagsusuri ng SWS noong Disyembre 2021 kung saan nasa 12-porsyento ang nagugutom sa rehiyon.

Nilinaw naman ni Fr. Veneracion na hindi lamang pagkain at iba pang mapapakinabangan ang maaaring ibahagi sa SAMBI kundi maging ang oras at talento ng mga nais maging volunteer upang mas mapalawak at mapalaganap pa ito sa mga saklaw na komunidad ng ZamBaSulI.

“Ito po ‘yung barter na hindi dole out na kukuha ka lang. Dapat mayroon kang ibibigay. Kung wala kang pambigay, ang ‘yong ibibigay ay pwedeng oras, pwedeng talento. Balak po namin ‘yan palaganapin sa apat na lugar na nasasakupan ng ZamBaSulI,” ayon sa pari.

Kabilang ang ZamBaSulI sa nanalo ng P500,000 halaga ng proyekto mula sa ginanap na NASAGA ng NASSA/Caritas Philippines upang suportahan ang kanilang programa sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,207 total views

 28,207 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,307 total views

 36,307 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,274 total views

 54,274 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,313 total views

 83,313 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,890 total views

 103,890 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,067 total views

 9,067 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,345 total views

 10,345 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,756 total views

 15,756 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top