Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 75,178 total views

Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran.

Alam mo ba kapanalig, tinatayang mga 17 milyong Pilipino ang walang access sa maayos na sanitation services? Dahil dito, marami sa kanila ay napipilitang gumamit ng mga open spaces para sa kanilang pangangailangan, isang gawain na tinatawag na “open defecation.” Ang kakulangan na ito ay nagreresulta sa pagkalat ng sakit at iba pang problemang pangkalusugan.

Ang hindi maayos na pamamahala sa basura at wastewater ay isa ring malubhang problema sa sanitasyon. Sa mga lungsod, ang kakulangan ng mga sistemang pang-kolekta ng basura at ang hindi sapat na sewerage systems ay nagdudulot ng pagdumi ng mga ilog, dagat, at iba pang anyong tubig. Ang mga kontaminadong tubig ay nagiging sanhi ng pagkalat ng mga waterborne diseases tulad ng cholera, diarrhea, at typhoid fever, na madalas na nakakaapekto sa mga bata at iba pang bulnerableng grupo.

Ang mga problema sa sanitasyon ay may malalim na epekto sa kalusugan ng publiko. Ang kawalan ng maayos na palikuran at malinis na tubig ay nagiging sanhi ng pagkalat ng mga sakit na maaari naman sanang iwasan, tulad ng diarrhea, na isa sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga bata sa Pilipinas. Ang mga ganitong uri ng sakit ay hindi lamang nakakaapekto sa pisikal na kalusugan ng mga tao, kundi pati na rin sa kanilang ekonomiya, dahil ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng pagkawala ng trabaho, pagbaba ng produktibidad, at karagdagang gastos para sa mga pamilya.

Bukod dito, ang kakulangan sa sanitasyon ay may epekto rin sa dignidad at seguridad ng mga tao, lalo na ng kababaihan at mga bata. Ang kawalan ng ligtas at pribadong palikuran ay naglalagay sa kanila sa panganib ng karahasan at pang-aabuso.

Ang sanitasyon sa Pilipinas ay kritikal na isyu na bunga ng iba ibang salik – gaya ng kahirapan, kawalan ng sanitation infrastructure, kawalan ng access sa tubig, at nakasanayang ugali ng mga tao. Marami pang kailangang gawin upang matiyak na ang bawat Pilipino ay may access sa malinis na tubig at maayos na pasilidad ng palikuran. Ang pagkakaroon ng sapat na sanitasyon ay hindi lamang usapin ng kalusugan, kundi isang usapin din ng dignidad at karapatang pantao. Sabi nga sa Gaudium et Spes: Anumang nang-iinsulto sa dignidad ng tao, gaya ng subhuman living conditions, ay lason sa lipunan at dapat puksain.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 33,350 total views

 33,350 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 47,409 total views

 47,409 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 65,981 total views

 65,981 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 90,589 total views

 90,589 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 33,351 total views

 33,351 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 47,410 total views

 47,410 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 65,982 total views

 65,982 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 90,590 total views

 90,590 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 72,848 total views

 72,848 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 96,546 total views

 96,546 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 105,258 total views

 105,258 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 108,889 total views

 108,889 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 111,445 total views

 111,445 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567