Save VIP campaign, ilulunsad ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

 450 total views

Ilulunsad ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED) at mga makakalikasang grupo ang kampanya upang mapangalagaan ang Verde Island Passage (VIP) sa Batangas laban sa panganib na maidudulot ng fossil fuel industry.

Ito ay ang #VIPforVIP campaign na nilalayong mahikayat ang mamamayan na makiisa para sa patuloy na pagpapanatili ng Isla Verde lalo’t higit sa mga likas na yamang matatagpuan dito.

Suportado naman ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang panawagang ito at sinabing hindi dapat pahintulutan ang pagtatayo ng pabrika para sa pagkuha ng fossil gas sa Batangas dahil magdudulot lamang ito ng matinding pinsala, hindi lamang sa mga yamang-dagat, kundi maging sa kabuhayan ng mga nasa komunidad malapit sa VIP.

“Plans for more fossil gas and [Liquefied Natural Gas] in Batangas cannot be allowed to destroy the thriving marine life in the waters of VIP, nor cause suffering to communities who rely on the health of this marine corridor for their sustenance,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ayon naman kay CEED Research, Policy, and Law Program Head Atty. Avril de Torres, ang Isla Verde ay tinaguriang “most biodiverse marine habitat” sa buong mundo dahil dito nagmumula ang nasa halos 60-porsyento ng shore fish species sa mundo.

“Knowing this, if there is massive expansion of fossil gas projects in the VIP, one of the many questions we should be asking is: what are we set to lose?,” saad ni Atty. de Torres.

Pormal namang ilulunsad ngayong alas-10 ng umaga ang #VIPforVIP campaign at maaaring matunghayan sa mga facebook page ng CEED-Center for Energy, Ecology and Development at Caritas Philippines.

Ang VIP ay isang ‘1.14-million hectare strait’ na nakapaloob sa Mindoro-Calavite-Tablas triangle na kinasasakupan ng Batangas, Marinduque, Romblon at ng Occidental at Oriental Mindoro.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 18,108 total views

 18,108 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 60,322 total views

 60,322 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 75,873 total views

 75,873 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 89,118 total views

 89,118 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 103,530 total views

 103,530 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top