Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seguridad sa trabaho, pinaigting ng DOLE

SHARE THE TRUTH

 1,981 total views

Pinalawig ng Department of Labor and Employment ang pagsusulong ng adbokasiya na tiyakin na ligtas ang mga lugar ng paggawa sa Pilipinas.

Ito ay sa pangangasiwa ng kagawaran sa dalawang araw na Association of Southeast Asian Nation – Occupational Safety and Health Network (OSHNET) sa Quezon City na dinaluhan rin ng mga kinatawan ng mga bansang kabilang sa ASEAN Region.

Tiniyak ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na isusulong ang pagiging ligtas ng mga komunidad na kinabibilangan ng mga manggagawa at kompanya.

Kabilang na dito ang ‘Cyberspace’ dahil narin nagagamit ang social media at iba pang internet space bilang paraan ng komunikasyon at pagpapasa ng mahahalagang impormasyon at papeles sa loob ng isang kompanya.

“Tiyak na ang OSH ay isang patuloy na proseso ng pag-aaral, pagpapabuti, pag-asa, pag-aangkop, at pagbabago, umaasa kami na sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, gayundin sa pamamagitan ng aming patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang aktibidad at programa sa ilalim ng ASEAN OSHNET.” ayon sa mensahe ni Laguesma na ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.

Iginawad sa Pilipinas ang pangangasiwa sa ASEAN-OSHNET kung saan kaagapay ang Singapore bilang ikalawang tagapangulo.

Taong 1976 ng itatag ng ASEAN Countries ang OSHNET upang mapaigting ang pagtutulungan sa pangangalaga sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa sa kani-kanilang bansa.

Patuloy naman ang pakikiisa ng sangay ng simbahan na katulad ng Church People Workers Solidarity at Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pakikiisa sa mga manggagawa upang maisulong na ligtas ang mga manggagaw sa kanilang trabaho at iba pang uri ng lugar sa paggawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 52,681 total views

 52,681 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 71,015 total views

 71,015 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 88,790 total views

 88,790 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 164,400 total views

 164,400 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 188,149 total views

 188,149 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top