Simbahan, mananatiling kalakbay ng mga biktima at naulila ng Tokhang

SHARE THE TRUTH

 535 total views

Mananatiling kalakbay ang simbahan ng mga biktima ng karahasan partikular ang mga naulila dahil sa tokhang o kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Fr. Danny Pilario, dean ng Saint Vincent School of Theology.

“Mahirap po, pero kapag nakikita naming kayo na nagsisikap na mabuhay, kami po ay nabibigyan din ng pagasa. Kaya tuloy lang po tayo, ang simbahan po ay kasama ninyo. Kami po ay makikilakbay sapagkat alam namin. Hindi lamang ngayong Pasko kundi sa araw-araw na pamumuhay,” ang bahagi ng homiliya ni Fr. Pilario.

Ayon pa kay Fr. Pilario sa isinagawang ‘Pagtitipon sa Pasko ng mga Balo’t Ulila’ na ginanap sa Sanctuario de San Vicente de Paul sa Quezon City – mananatili ang pagtulong ng simbahan lalu’t karamihan sa mga naulila at balo ng mga biktima ng tokhang ay nagpapatuloy sa kanilang pagbangon sa kabila ng karahasan.

“Lahat po kayo ay nagsisikap na mabuhay sa kabila ng karahasan. At ngayon patuloy pa rin ang pagpatay. Tinanggal na sa PNP, ngayon ibinalik na naman. Hindi ako magtataka kung sa susunod na buwan may patay na biktima na naman tulad ng inyong mga asawa,” ayon kay Fr. Pilario

Ayon kay Fr. Pilario, higit sa 100 ang biktima ng tokhang sa Payatas na karaniwang natatagpuan sa paanan ng bundok ng basura.

Stop the Killings!

Ito ang patuloy na panawagan ng may higit sa 100 pamilya na nabalo at naulila ng mga nabiktima ng Tokhang.

Bitbit ng bawat pamilya sa prusisyon sa labas ng simbahan ang larawan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay na pinatay dahil sa hinalang may kinalaman ang mga ito sa ilegal na droga.

Panawagan ng bawat pamilya ang mahinto na ang mga pagpaslang at manaig ang katarungan sa mga pagpatay.

Kabilang sa mga dumalo ang mga pamilya ng biktima ng tokhang mula sa Caloocan, Quezon City, Manila at maging sa Bulacan.

Sa misang isiganawa sa St. Vincent De Paul Parish, nag-alay ng mga bulaklak ang mga kaanak matapos ang misa.

Base sa ulat, higit sa 13,000 ng mga hinihinalang pusher at adik ang napatay, kabilang na dito ang higit sa 3,000 napaslang dahil sa police drug operations.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,453 total views

 9,453 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,117 total views

 42,117 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,263 total views

 47,263 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,448 total views

 89,448 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 104,962 total views

 104,962 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,592 total views

 3,592 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,593 total views

 3,593 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top