Simbahan, nakikiisa sa kahirapang nararanasan ng mga taga-Isla Puting Bato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total views

May 11, 2020, 2:27PM

Labis na ikinalungkot ng opisyal ng Caritas Manila ang sitwasyon ng mga maralitang mamamayan na labis na apektado ng mahigpit na pagpapatupad ng enhaced community quarantine.

Personal na naglibot si Rev. Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa Isla Puting Bato sa Tondo Manila kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Ina kung saan nasaksihan ang kahirapang idinulot ng pandemya.

“Kawawa ang kalagayan ng mga nanay dito sa Isla Puting Bato sa Tondo, tayo’y narito upang magbigay ng kaunting ayuda upang maibsan ang kanilang paghihirap,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Karamihan sa mga mamamayan sa lugar ang umaasa lamang sa pagtitinda ng mga gulay, pag-uuling at iba pang maliliit na pagkakakitaan na pansamantalang nahinto dahil sa stay at home policy na ipinatupad ng gobyerno.

Ang paglilibot ni Fr. Pascual ay bahagi pa rin ng pinaigting na Ligtas COVID 19 Campaign ng social arm ng Archdiocese of Manila bilang tugon sa pandemic COVID 19.

Target ng Caritas Manila na maabot ang mahigit isandaang libong mahihirap na pamilya na labis nahirapan.

Ito ay bukod pa sa mahigit isang milyong pamilya o katumbas sa halos pitong milyong indibidwal na nakinabang sa sa naunang Oplan Damayan ng Caritas Manila na nagpamahagi ng higit isang bilyong pisong halaga ng gift certificate sa pakikipagtulungan ng Project Ugnayan ng mga negosyante.

Bukod sa ipinamahaging food bags sa Isla Puting Bato binigyan din ng Caritas Manila ng gift certificate ang ilang kapus-palad na walang ibang mapagkunan ng pagkain at pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Tiniyak ni Fr. Pascual na mananatiling gumagabay ang simbahan sa mamamayan sa gitna ng krisis pangkalusugan na naranasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

“Patuloy makikiisa ang Simbahan, ang Caritas Manila sa ating mahihirap na komunidad na apektado ng krisis,” saad ni Fr. Pascual.

Kasamang naglibot ng pari si Rev. Fr. Jorge Peligro, OAR ang kura paroko ng Our Lady of Peace and Good Voyage ng Del Pan Tondo at ang mga volunteers ng Caritas Manila na sa kabila ng pagiging apektado ng kasalukuyang sitwasyon ay nanatiling nakahandang tumulong sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,543 total views

 54,543 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,412 total views

 50,412 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,614 total views

 86,614 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,089 total views

 95,089 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,849 total views

 119,849 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top