Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 17,896 total views

Homiliya para sa Pangalawang Araw ng Simbang Gabi, Ika-17 ng Disyembre 2023, Linggo ng Gaudete, Juan 1:6-8, 19-28

“Simulan ang lakbayin sa layunin.” (Begin with the end in mind.) Isa daw ito sa “seven habits of highly-effective people” sabi ni Steven Covey. Ito ang buod ng ating pagninilay ngayon tungkol sa simbahang nagmimisyon. Ito kasi ang temang tumutuhog sa mga pagbasa natin para sa Linggo ng Gaudete. Ang madalas gamitin na translation para sa Ingles na “goal”, o “purpose”, o “objective” ay hangarin o layunin. Para sa akin, parang mas angkop ang LAYUNIN kaysa HANGARIN.

Iyung HANGARIN—parang may kinalaman sa hinahangad natin o gusto nating makamit o matamo sa buhay. Ang LAYUNIN ay parang ganoon din, pero ang point of reference ay hindi sarili natin kundi ang nilalayon o tinutungo o direksyon natin. Kung saan tayo tinatawag na pumunta.

Kaya related ang salitang bokasyon at misyon; ang bokasyon ay TAWAG, ang misyon ay kung saan tayo ISINUSUGO ng tumawag sa atin. Iyon ang layunin.

Dalawang bagay ang nabibigyang liwanag sa atin kapag malinaw ang LAYUNIN. Una, lumilinaw din kung sino hindi tayo (who we are NOT), at ikalawa, kung sino talaga tayo (who we are). Ito ang dalawang tanong na sinasagot ni Juan Bautista sa ating ebanghelyo.

Simulan natin sa una—Kapag malinaw ang ating layunin sa buhay, hindi tayo ilusyonado. Bago sinagot ni Juan Bautista kung SINO SIYA, nilinaw muna niya kung sino HINDI SIYA. Wala siyang messianic complex. Nilinaw niya na hindi siya ang hinihintay nilang Kristo o si Elijah o ang propetang pinaniniwalaan nilang babalik, tulad ni Jeremiah. Hindi niya hinangad na magpanggap .
Malaki ang naitutulong sa ating mental health kapag marunong tayong dumistansya kahit sa mga bagay na pinagbubuhusan natin ng panahon o pinaglalaanan ng sarili. Minsan nakita ko sa isang poster ang listahan ng mga I AM NOTS: “I am not my job. I am not my salary. I am not my failures. Etc.” Bakit mahalagang sabihin ito ng mga tao sa sarili paminsan-minsan? May buhay pa kasi kahit mawalan ng trabaho, magresign or magretire. Hindi suweldo ang nagbibigay halaga sa pagkatao ng tao. At kahit makagawa ang tao ng kapalpakan o pagkakamali, hindi nangangahulugan na failure na ang buong buhay niya. Higit pa sa lahat ng iyan ang pagkatao natin.

Minsan naman napagkakamalan nating layunin ang ambisyon. Mas malalim ang layunin kaysa ambisyon. Marami na akong nakitang isinantabi ang ambisyon para sa misyon. Sabi ni St. Paul sa ating ikalawang pagbasa sa Unang Sulat niya sa mga Taga-Tesalonica 5:24, “Tapat ang tumawag sa inyo, at siya rin gagawa sa ikatutupad nito.” Tiyakin nga lang na ito ang kalooban niya.Kaya sinasabi niya: “huwag huminto sa pananalangin.” Sa panalangin nalalaman natin hindi lang ang gusto nating mangyari o hangad natin sa buhay, kundi ang ating misyon, ang kalooban ng Diyos.
Kaya pala may punto sa buhay na nag-ermitanyo muna si Juan Bautista sa disyerto bago siya nagsimula sa misyon niya. Nilinaw muna niya sa panalangin ang layunin niya sa buhay. Ito ang pangalawang punto natin: ang layunin ang nagpapalinaw sa ating kung sino talaga tayo. Isinasa-ritwal daw ito ni Juan sa pagbibinyag. Nilulubog muna niya sa tubig ang sumusunod sa kanya.
Gaano katagal ba puwedeng manatiling buhay ang tao kung ilulubog siya sa tubig at hindi na iaahon? Maikli lang ang hininga natin, di ba? Dahil hindi naman tayo isda; malulunod tayo. Nilulubog para habulin ang hininga paglabas sa tubig. Parang sinasabi ni Juan: napakaikli lang ng buhay, sayang naman ito kung walang layunin, kung di mapasaatin ang Espiritu—ang walang hanggang hininga ng Diyos.

Ito ang ikalawang punto: Ang layunin ang nagpapalinaw sa atin KUNG SINO BA TALAGA TAYO—anak ng tao na tinawag para maging anak ng Diyos. Related din ito sa hangarin, pero hindi ng sarili kundi ng tumatawag sa atin.

Sa pamamagitan ng pagsasaatin ng Espiritu, namumulat ang tao na siya’y HINIRANG, sabi nga ni propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Ang lingkod ng Diyos na tinawag o hinirang para sa misyon. Ang misyon ay hindi lang tungkol sa pagtataguyod ng mga personal na balakin kundi pakikilahok sa gawaing pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan, pakikibahagi sa layunin ng Diyos.

May mga nagdududa tungkol sa pakay ng Sinodo—na parang binabago daw ni Pope Francis ang doktrina at mga patakaran ng simbahan. Hindi ko naramdaman iyon kahit minsan sa aming pagtitipon sa Roma noong October. Ang madalas nga niyang ipaalala sa amin ay hindi ito parang batasan gagawa ng mga bagong patakaran batay lamang sa demokratikong botohan. Ang sinodo ay pag-uusap na espiritwal na ginagawa sa diwa ng panalangin at sa liwanag ng Salita ng Diyos. Mas mahalaga kaysa mga personal na opinyon ang masusing pakikinig at pagkilatis sa ibinubulong ng Espiritu Santo sa pamamagitan din ng pagsusumikap natin na magkaisang puso at diwa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,146 total views

 4,146 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 11,627 total views

 11,627 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 24,767 total views

 24,767 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 30,740 total views

 30,740 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 36,495 total views

 36,495 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 983 total views

 983 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 984 total views

 984 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,738 total views

 3,738 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,153 total views

 8,153 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,479 total views

 3,479 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,002 total views

 4,002 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,501 total views

 5,501 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,345 total views

 6,345 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,600 total views

 4,600 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,813 total views

 8,813 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,045 total views

 8,045 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,255 total views

 12,255 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,703 total views

 5,703 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,707 total views

 5,707 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,707 total views

 5,707 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top