Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SOAP, inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc.

SHARE THE TRUTH

 691 total views

Inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. (PJPS) ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty (PDLs) o S.O.A.P. campaign bilang bahagi ng paggunita ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon kay PJPS Executive Director Fr. Eli Rowdy Y. Lumbo, SJ, ang layunin ng S.O.A.P campaign na makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo at panlaba para sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang proteksyon sa COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ng Pari na higit na mahalaga ngayong panahon ng pandemya na matiyak ang kalinisan ng mga bilanggo na higit na lantad sa iba’t ibang sakit dahil sa pagsisiksikan sa mga bilangguan.

“Sa amin sa PJPS – Philippine Jesuit Prison Service may panawagan po kami na sana makatulong tayo sa aming proyekto na makalikom ng pera o ng sabon. Ang pera ay ibibili ng mga sabon ng ating mga kapatid sa loob ng bilangguan sa New Bilibid Prison (NBP) at sa Correctional Institute for Women (CIW), sa NBP po ito po ang mga lalaki halos 27,000 – 28,000 po yung mga bilanggo dito at sa CIW mga almost 3,000. Nais sana natin makabigay sa kanila ng mga sabon – sabon pampaligo at sabon panlaba laban sa COVID-19”. pahayag ni Fr. Lumbo sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito nananawagan si Fr. Lumbo ng suporta para sa S.O.A.P campaign upang makapagpaabot ng tulong sa lahat ng halos 33,000 mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Nasaaad sa website na www.pjps.org.ph ang paraan upang makapagpaabot ng tulong in cash o in kind kung saan sa halagang 150-piso ay maaring ng magkaroon ng pang-isang buwang hygiene kit ang isang Persons Deprived of Liberty.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 172,539 total views

 172,539 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 194,315 total views

 194,315 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 218,216 total views

 218,216 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 325,074 total views

 325,074 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 348,757 total views

 348,757 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ng PHIVOLCS

 33,969 total views

 33,969 total views Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na hindi beripikadong impormasyon. Ayon

Read More »
Scroll to Top