14,563 total views
Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na suportahan ang evangelization program ng simbahan lalo ngayong Setyembre sa pagdiriwang ng National Catechetical Month.
Sa sirkular na inilabas ng arkidiyosesis, magkaroon ng special collection ang lahat ng parokya sa September 15 para sa mga programa ng Episcopal Commission on Evangelization ang Catechesis ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
“A special collection is stipulated in the calendar of the Church in the Philippines…This will go a long way in supporting the episcopal commission’s programs and activities on evangelization and catechesis,” ayon sa liham sirkular.
Tema sa pagdiriwang ng National Catechetical Month ngayong taon ang ‘Praying Catechists: Pilgrims of Hope in Synodality towards the Implementation of Antiquum Ministerium.’
Inilaan ng simbahan sa Pilipinas ang buwan ng Setyembre para sa mga katekista bilang paggunita kay San Lorenzo Ruiz sa September 28, ang kauna-unahang santong Pilipino at itinuturing na pintakasi ng mga katekista dahil pinaslang ito sa Japan dahil sa paninindigan sa pananampalatayang katoliko.
Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga katekista dahil sa pangunguna sa paghuhubog ng pananampalataya ng mamamayan na maituturing na natatanging gawain ng pagmmisyon at ebanghelisasyon.
Sa datos na ibinahagi ng National Catechetical Studies nasa 50, 000 ang bilang ng mga katekista sa buong bansa na katuwang ng simbahan sa paghuhubog at pagtuturo ng pananampalatayang katoliko sa mahigit 80-milyong binyagang Pilipino.