Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sports at kabataan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 1,394 total views

Palarong Pambansa ngayon kapanalig, at maraming kabataan ang magiting na nakikilahok dito.

Ang sports ay napakahalagang aspeto sa buhay ng mga kabataan sa bansa. Hindi lamang ito libangan at pampalakas ng katawan. Ito na rin ay nagbibigay daan sa pagkakakilanlan sa sarili at sa kakayahan ng mga bata. Ito rin ang isang paraan ng pagpapaunlad ng kanilang karakter.

Sa sports kapanalig, natututo ang mga bata ng disiplina, tiyaga, at pakikisama. Ang mga katangiang ito ay mahalaga hindi lamang sa sports kung hindi sa buhay rin. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pag-aambagan sa loob ng koponan  o ng team, natututo maging responsible at makipag-ugnayan sa iba ang bata.

Ang sports din ay magandang hobby dahil maliban sa nagpapalakas ito ng katawan at karakter, nilalayo din nito sa bisyo ang mga bata. Sa paglalaro ng sports, nagiging mas produktibo ang oras ng kabataan at nabibigyan sila ng pagkakataon na mag-focus sa kanilang mga layunin at pangarap.

Ang sports ay nagbibigay ng mga oportunidad sa mga kabataan na makilahok sa mataas na antas ng kompetisyon, lalo na sa mga pambansang at internasyonal na patimpalak. Ito ay isang paraan upang maging inspirasyon sila sa iba at maging huwaran sa kanilang mga komunidad.

Kaya nga lamang, tila kulang ang suporta ng ating komunidad at bayan sa sports. Maraming mga pagkakataon na mas nais pa ng mga pamilya na magtrabaho na lamang ang mga bata kaysa maglaro. Mas may kita kasi sila dito, kahit pa, ayon sa Rerum Novarum, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan, ang maagang pagtatrabaho ng bata ay maaaring maging balakid sa kanyang potensyal. Nagiging pangarap na lamang para sa bata ang manalo sa mga patimpalak.

Sa mas malawakang lebel, mayroon ding mga hamon at suliranin sa larangan ng sports sa Pilipinas. Ang kawalan ng suporta at imprastraktura para sa sports development sa ating bansa ay malaking balakid. Kulang ang mga pasilidad at training centers para sa ating mga kabataan. Kung meron man, may bayad ang mga ito. Marami ring mga mga batang atleta sa atin ang walang maayos na gamit, gaya ng mga sapatos, bola, at iba pang equipment para sa kanilang paglalaro.

Sa kabila ng mga hamon na ito, patuloy pa rin ang maraming mga bata sa pag-asam na maabot ang kanilang mga pangarap sa sports. Kitang kita natin ito sa Palarong Pambansa ngayon, na kahit tuloy tuloy ang pag-ulan, magiting na nagpatuloy ang ating mga kabataang atleta. Mahalaga na magkaroon ng mas malawakang suporta mula sa mga magulang, guro, at mga komunidad upang mas mahimok pa ang kabataan na magpakasipag at magpursigi sa kanilang mga sports na hilig.

Sa pagsulong ng sports sa ating bansa, matitiyak natin na mas maraming batang Pilipino ang magiging world class athletes at magdadala ng karangalan sa bansa. Sa sports, mapapakita ng bata ang kanyang galing at talino, at uusbong ang mas malalim na pagmamahal sa bayan. Ang batang atleta ng bayan ay simbolo ng pag-asa. Sila ay inspirasyon ng ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 20,763 total views

 20,763 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 41,490 total views

 41,490 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 49,805 total views

 49,805 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 68,273 total views

 68,273 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 84,424 total views

 84,424 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 20,764 total views

 20,764 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 41,491 total views

 41,491 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 49,806 total views

 49,806 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 68,274 total views

 68,274 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 84,426 total views

 84,425 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 67,326 total views

 67,326 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 55,755 total views

 55,755 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 55,979 total views

 55,979 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 48,681 total views

 48,681 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 84,226 total views

 84,226 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 93,102 total views

 93,102 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 104,180 total views

 104,180 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 126,589 total views

 126,589 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 145,307 total views

 145,307 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top