Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

SHARE THE TRUTH

 27,365 total views

Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi.

Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista na pinangunahan ni National Museum of the Philippines Director General Jeremy Barns at Rev. Fr. Ricardo Divinagracia, kura paroko ng Simbahan ng San Juan Bautista, Camalig, Albay.

Opisyal na ding ipinagkatiwala ng National Museum of the Philippines sa Diyosesis ng Legazpi ang tungkuling ingatan, pangalagaan at panatilihin ang integridad at orihinal na istruktura ng Simbahan upang patuloy na maipamalas ang pagiging saksi sa mayamang kasaysayan ng pananampalataya hindi lamang sa Albay kundi sa buong Bicol region.

Iginagawad ng National Museum of the Philippines ang pagkilala bilang Important Cultural Treasure at Important Cultural Property sa isang gusali, lupain o lugar na nagtataglay ng pambihirang kasaysayan hindi lamang sa larangan ng sining kundi maging para sa pagpapayaman ng kultura ng bansa.

Sa kasalukuyang umaabot na sa mahigit 20 na ang bilang ng mga kinilalang National Cultural Treasures sa bansa habang mahigit naman sa 30 ang kinilalang Important Cultural Properties ng National Museum of the Philippines na kinabibilangan ng mga parke, gusali, Simbahan at maging mga lumang tahanan sa buong bansa.

Maikling kasaysayan ng St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay:

Taong 1569 ng nagsimulang magbahagi ng ebanghelyo ang mga misyonerong Augustinian sa lugar. Nagsilbi naman mission outpost ng mga Franciscan ang bayan ng Camalig kung saan makalipas ang sampung taon ay kanilang itinatag ang isang parokya sa lugar na nanatili sa kanilang pangangasiwa at hurisdiksyon sa loob ng 404 na taon.

Itinayo ang unang simbahan noong 1578 sa pamamagitan ng mga light material tulad ng cogon, nipa at kawayan. Taong 1605 nang itinayo ang simbahang bato ng mga bilanggo at palaboy na nagtagal hanggang taong 1814 ng sumabog ang Bulkang Mayon.

Ang mapanirang pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1814 ay halos nagpalubog sa makasaysayang bayan ng Camalig sa Albay na dahilan upang lumipat ang mga residente sa kabundukan, kung saan isang pansamantalang kapilya din ang itinayo sa lugar.

Taong 1837 ng muling bumalik ang mga residente sa lumang bayan at nagsimulang muling itayo ang kanilang simbahan sa pamamagitan ng mga volcanic stones na natapos noong 1848.

Ang mahigit sa 170-taon simbahan ay naging saksi hindi lamang sa pagkasira at muling pagbangon ng bayan ng Camalig mula sa iba’t ibang mga natural na kalamidad at sakuna gaya ng pagsabog ng Bulkang Mayon kundi maging sa dalawang digmaan na Spanish-American War at World War II.

Photo Courtesy: National Museum of the Philippines – Bicol

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 40,406 total views

 40,406 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 61,133 total views

 61,133 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 69,448 total views

 69,448 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 87,566 total views

 87,566 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 103,717 total views

 103,717 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 3,686 total views

 3,686 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 9,813 total views

 9,813 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top