Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sustento sa mga anak, tungkulin ng bawat magulang-Ideals

SHARE THE TRUTH

 7,239 total views

Pinaalaahan ng mga legal expert ang mga magulang na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak na mayroon silang pananagutan sa batas.

Sa panayam ng programang Caritas in Action, sinabi ni Atty. Gail Diola ng grupong IDEALS Inc. na may karapatan ang mga anak na makakuha ng sustento mula sa kanyang mga magulang.

Kasabay ng paggunita sa International Women’s Month ngayong buwang ng Marso, lumalabas sa pag-aaral na karamihan ng mga biktima na hindi nakakatanggap ng sustento ay mga kababaihang at kanilang anak na hindi pinanagutan ng kanilang ama.

Ayon kay Atty. Diola bagamat walang nasasaad sa batas kung magkano ang nararapat na sustento ng magulang sa kanyang anak ay kinakailangan itong ipagkaloob para matustusan ang mga pangunahing pangangailangan.

“Walang fix amount ang ating batas kung magkano ang dapat ibigay na sustento ito po ay highly dependent sa iba-ibang factor at una na dito ang resources o financial capability ng magulang.”

Sinabi pa ng abugado na ang bata ay may karapatan na tumanggap ng sustento mula sa kanyang Ama kahit hindi nakasunod sa kanyang apelyido.

“Sa usapin ng suporta hindi kailangan na ang dalawang magulang ay kasal para ma-obligahan na magbigay ng suporta hindi ito pre requisite, dahil under the family code ang mga illegitimate children ay entitled sa suporta.” Dagdag pa ni Atty. Diola.

Sa katuruan ng Simbahang katolika ay labis na pinahahahalagan ang sakramento ng matrimonya ng kasal at pagkakaroon lamang ng mga anak matapos ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong taong 2017 lumalabas na 53 porsyento ng mga ipinanganak ng taong iyon ay napapabilang sa mga “illegitimate children” o mga ipinanganak ng hindi kasal ang kanilang mga magulang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ROBS TO RICHES

 42,074 total views

 42,074 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 57,380 total views

 57,380 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Mga biktima ng digmaan

 71,914 total views

 71,914 total views Mga Kapanalig, hanggang kailan pa magdurusa ang mga inosente sa nagpapatuloy pa ring digmaan sa Gaza? Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang

Read More »

Katiwalian at media

 82,746 total views

 82,746 total views Mga Kapanalig, nandidiri ba kayo sa korapsyon? Dapat lang. “Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon,” sabi nga ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa

Read More »

Budget and spend responsibly

 94,609 total views

 94,609 total views Mga Kapanalig, “ber months” na!  Para sa ilan sa atin, ang unang araw ng Setyembre ay hudyat na papalapít na ang Kapaskuhan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 40,156 total views

 40,156 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 53,448 total views

 53,448 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top