Tagbilaran reclamation project, binabantayan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 17,705 total views

Iginiit ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na dapat pag-aaralan ang mga proyektong ipatutupad na hindi makasisira sa kapaligiran.

Ito ang pahayag ng obispo hinggil sa mga proyektong makakaapekto sa kalikasan tulad ng tinututulang 153-hectare reclamation project sa Tagbilaran City.

“Any development project with the potential to inflict significant harm demands careful consideration,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Bagamat isinantabi ni Tagbilaran City Mayor Jane Yap ang panukalang P12-billion reclamation project ng Tagbilaran Waterfront Development Corporation (TWDC) ay tiniyak ni Bishop Uy ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga grupo at mamamayan upang ipaunawa ang malaking panganib na maidudulot ng reklamasyon.

Sinabi ng Obispo na mainam na higit maunawaan ng mamamayan ang proyekto at mga kaakibat na panganib sa hinaharap sa tulong ng mga eksperto upang magkaisang protektahan ang kalikasan at pamayanan.

“Consultation with local residents and the solicitation of expert opinions are indispensable. We must recognize the importance of these steps before moving forward with such projects,” ani Bishop Uy.

Ikinatuwa ni Bishop Uy ang pakikinig ng lokal na pamahalaan ng Tagbilaran sa hinaing ng mamamayan laban sa proyekto.

Katuwang ng simbahan sa pagtutol ang Tagbilaran Baywatch upang protektahan ang Tagbilaran Bay dahil dito nagmumula ang kabuhayan ng mamamayan.

Umaasa ang grupo na tuluyang isantabi ng Tagbilaran City Council ang mga resolusyong pabor sa panukala ng TWDC.

Matatandaang kilala ang obispo ng Tagbilaran sa pangangalaga ng kalikasan lalo na ang pagtatanim ng mga punongkahoy, pananatiling malinis ng mga anyong tubig gayundin ang malinis na hangin sa kapakinabangan ng mamamayan

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 68,737 total views

 68,737 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 82,304 total views

 82,304 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 77,914 total views

 77,914 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 75,629 total views

 75,629 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 79,890 total views

 79,890 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, nagpaabot ng dasal sa mga ama ng tahanan

 2,063 total views

 2,063 total views Hiniling ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang panalangin para sa mga haligi ng tahanan sa pagdiriwang ng Father’s Day sa June 16. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang chairman ng tanggapan, malaki ang tungkulin ng mga ama sa pagpapanatiling matatag at pagtataguyod ng bawat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pangangailangan ng mga kabataan sa St. Anthony parish, tinugunan ng Radio Veritas at Caritas Manila

 2,798 total views

 2,798 total views Magkatuwang ang Radio Veritas at Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong sa mga kabataan at iba pang benepisyaryo sa St. Anthony Parish sa Singalong Manila sa pagdiriwang ng kapistahan ng santo. Ayon kay Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen ito ang hakbang ng simbahan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan bukod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Charismatic leaders sa Asia-Oceania, magtitipon sa Cebu

 4,251 total views

 4,251 total views Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na makatutulong ang charismatic groups sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan sa tulong at gabay ng Espiritu Santo. Ito ang mensahe ng arsobispo sa paghahanda ng Archdiocese of Cebu sa kauna-unahang National Charismatic Leaders Conference sa July 27 at 28 sa IEC Convention Center sa Cebu City.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vow of Obedience, obligasyon ng isang Pari na sundin

 5,996 total views

 5,996 total views Umapela ang Archdiocese of Manila kay Fr. Alfonso Valeza na sundin ang kautusan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula makaraang alisin bilang parish administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo para tupdin ang mga programang inilalaan sa kanya. Ayon kay Archdiocese of Manila Vicar General at Moderator Curiae Fr. Reginald Malicdem, dapat

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pagiging ecclesiastical superior ni Fr. Napiere ng Tuvalu, ikinagalak ng Obispo ng Tagbilaran

 8,774 total views

 8,774 total views Ikinatuwa ng Diocese of Tagbilaran ang pagkatalaga kay Fr. Eliseo Napiere ng Mission Society of the Philippines bilang ecclesiastical superior ng Missio Sui Iuris (independent mission) ng Funafuti sa Tuvalu na bahagi ng Pacific Island. Tiwala si Bishop Alberto Uy na magagampanan ni Fr. Napiere ang panibagong misyon na iniatang ng simbahan na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Socom ministers, hinamong gamitin sa ebanghelisasyon ang makabagong teknolohiya

 7,202 total views

 7,202 total views Hinimok ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communication ang mamamayan na gamitin ang mga kasanayan at makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos. Ito ang hamon ni AOC Director at Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen sa kasapi ng social communications ministry ng mga parokya lalo na sa

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Nabagsakan ng century old acacia tree sa Taytay, tutulungan ng Diocese of Antipolo

 13,864 total views

 13,864 total views Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang tulong sa may-ari ng mga sasakyang napinsala nang mabuwal ang malaking punong acacia sa harapan ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay Rizal. Ayon sa obispo hindi maiiwasan ang mga insidente lalo na tuwing may bagyo kaya’t humingi rin ito ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archbishop Villegas sa mamamayan, isang karangalan ang manindigan laban sa divorce

 11,089 total views

 11,089 total views Hinikayat ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na tiyakin ang mabuting pagpapasya at pagninilay bago makipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal. Ito ang bahagi ng pastoral exhortation ng arsobispo kasunod ng kuwestiyunableng pagpasa ng panukalang diborsyo sa mababang kapulungan. Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na mahalagang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Canonization ni Blessed Carlos Acutis, magdudulot ng pag-asa sa mga mananampalataya

 11,797 total views

 11,797 total views Ikinalugod ng grupo ng mga deboto ni Blessed Carlo Acutis sa Pilipinas ang pag-apruba ng Vatican sa kanyang canonization. Ayon kay Friends of Blessed Carlo Acutis Philippines, Chairperson, Christoffer Denzell Aquino, SHMI, napapanahon ang pagkilala ng simbahan sa batang banal lalo’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na ginagamit ng kasalukuyang henerasyon. Sinabi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Selebrasyon ng BEC Sunday, pangungunahan ng CBCP- ECBE

 13,797 total views

 13,797 total views Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Basic Ecclesial Community na mas pinagtitibay ang munting pamayanan sa bansa para sa higit na pagmimisyon ng simbahan. Ayon kay CBCP-BEC Chairperson, Iligan Bishop Jose Rapadas III kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa iisang Diyos itinalaga ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakapasa ng divorce bill sa Kamara, isang hamon sa simbahan-Cardinal Advincula

 13,952 total views

 13,952 total views Iginiit ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi hadlang sa kristiyanong pamayanan ang pagkakapasa ng panukalang diborsyo upang manindigan sa kasagraduhan ng sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang tugon ng cardinal makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act nitong May 22. Binigyang diin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Senado, hinimok ng mga Obispo na patatagin ang pamilyang Pilipino

 14,554 total views

 14,554 total views Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas ang isipan ng mga mambabatas sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairperson ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ordinasyon ni Bishop Bersabal, isang biyaya sa church evangelization

 14,618 total views

 14,618 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mental health ng mga biktima ng pagsabog, pangangalagaan ng Archdiocese of Cotabato

 14,897 total views

 14,897 total views Tiniyak ng Archdiocese of Cotabato ang pangangalaga sa mental health ng mga biktima ng pagpasabog sa Sto. Niño Chapel nitong May 19. Ayon kay Archbishop Angelito Lampon, mahalagang hakbang ito upang matugunan ang labis na pagkatakot ng humigit kumulang 20 indibidwal na biktima ng insidente. “We have scheduled a debriefing for all those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Caritas Philippines, umaasang bukas sa dayalogo ang bagong Senate President

 15,708 total views

 15,708 total views Umaasa ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas sa dayalogo ang bagong liderato ng senad. Batid ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace na sa pamumuno ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top