Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tagumpay ng Economy of Francesco, simula ng kinabukasan ng mahihirap at kalikasan

SHARE THE TRUTH

 426 total views

Ang tagumpay ng idinaos na world meeting ng Economy of Francesco (EOF) sa Assisi Italy ang hudyat ng mabuting kinabukasan ng mga mahihirap at kalikasan.

Ito ang mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa 1-libong mga kabataan, economic leaders at estudyante na kinatawan mula sa 100-bansa.

“Alam naman natin na itong meeting na ito ay mahalaga para isakatuparan ang layunin ng Santo Papa bilang isang world movement of young people na nais ma-convert o di kaya mabigyan ng mas malalim na kahulugan ang economic models na mayroong tayo sa ibat-ibang bansa. Ito ay paglalayon na mabigyang pansin ang kahalagahan ng kalikasan at kahalagahan ng mga mahihirap sa ating lipunan at hindi ang profit ang nangunguna,”pahayag ni Bishop Presto sa Radio Veritas

Hamon ng Obispo sa mga kinatawan ng ibat-ibang bansa higit na sa 10-kinatawan ng Pilipinas na dumalo sa pagtitipon na pinaigtingin ang pagsasabuhay at pagkilos upang maisakatuparan ang mga adbokasiya ng EOF.

Ayon sa Obispo, gaano man ito kaliit sa simula at kahit pa hiwa-hiwalay itong isasagawa, sa tulong ng pinagsama-samang pagsisikap ng 1-libong kinatawan ay dahan-dahang makikilala at higit na magagamit ang mga makabagong sistema tungo sa pag-unlad ng ekonomiya kasama ang mahihirap.

Sinabi ng Obispo na sa tulong ng EOF movement ay mapapabuti ang kalagayan ng kalikasan.

“Sa kalikasan ay umaasa ang maraming mga indegenous peoples kung hindi man, maging ang mga non-indegenous peoples, ang kapwa ay isang natatanging yaman na mayroon tayo na bigyang kahalagahan kaya nga’t sa dalawang ensiklikal na ito (Laudato Si at Fratelli Tuti) makikita yung punto ng ating Santo Papa ang pakikipag-kapatiran sa kapwa at ang pangangalaga sa kalikasan,,” dagdag ni Bishop Presto.

Ang Economy of Francesco ay nagsimula noong 2019 sa pangangasiwa ng Italian Economist na si Luigino Bruni matapos manawagan ang Santo Papa sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na lumikha ng bagong sistema sa ekonomiya na isasama ang mga mahihirap sa pag-unlad at pangangalagaan ang kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 14,064 total views

 14,064 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 34,791 total views

 34,791 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 43,106 total views

 43,106 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 61,655 total views

 61,655 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 77,806 total views

 77,806 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 4,059 total views

 4,059 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 11,779 total views

 11,779 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top