1,538 total views
Inaanyayahan ng Radio Veritas at Caritas Manila ang mamamayan na makibahagi sa isasagawang “Alay Kapwa” telethon 2023.
Tampok sa Telethon ang iba’t-ibang programang pangmahirap ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila.
Layunin ng Caritas Manila Alay Kapwa telethon na makalikom ng pondong ilalaan sa mga pro-poor program ng simbahan at pagtugon sa pangangailangan at rehabilitasyon ng mga nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad.
Gagamitin din ang pondong malilikom sa ‘Unang Yakap” program ng Caritas Manila na layuning mapakain ang mga maralita at malnourished na bata sa ibat-ibang bahagi ng bansa kasama ang kanilang mga magulang higit na ang mga inang nagpapasuso ng kanilang sanggol.
Ipinaalala ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas sa mga Pilipino na “We are gifted to give”.
Nanawagan ang pinuno ng Caritas Manila sa mga mananampalataya na ugaliing ang pagkakawanggawa sa kapwa.
Live na mapapakinggan at mapapanood ang Damayan telethon mula ala-siete ng umaga hanggang ala-siete ng gabi sa Radio Veritas 846, Facebook live DZRV846, Sky Cable Channel 211 at Cignal channel 313.
Noong 2022, sa tulong ng mga donasyong nalikom ng Caritas Manila, umabot sa 82.8-million pesos ang typhoon Odette response ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.
111.7-milyong piso naman ang nailaan sa pagpapaaral sa mga Youth Servant Leadership and Education Program Scholars habanag 27.8-milyong piso naman ang halaga ng Kontra Covid-19 ang naipamahagi sa mahigit 28-libong pamilya sa Metro Manila at magkakaibang bahagi ng bansa.