Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

SHARE THE TRUTH

 68,324 total views

Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng ating mga magsasaka.

Sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, halimbawa, nasira ang lahat ng bukirin. Walang natirang sibuyas, kamatis, at iba pang gulay. Sa pagkasira ng mga tanim sa mga maraming lugar, nagbabadya ang kakulangan sa pagkain. Kapag bumaba ang suplay, tiyak na tataas ang presyo ng pagkain. Maghihigpit ng sinturon ang mga mamimili (kasama ang mga magsasaka), at sa huli, mahihirapan ang mga magsasakang makabangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa 188 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa maraming probinsya sa Luzon at ilang lugar sa Visayas. Pinakamalaki ang pinsala sa palay. Naapektuhan din ang mais, cassava, at iba pang high-value crops. Apektado ang kabuhayan ng mahigit anim na libong magsasaka. Dahil sa taas ng ilan, ilang araw ding hindi nakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda.

Taun-taon tayong nakararanas ng matitinding bagyo, kaya’t malinaw na patuloy din ang mga hamong haharapin ng ating mga magsasaka at mangingisda. Kaya mahalagang tanungin: handa ba ang gobyerno at ang mga komunidad sa ganitong uri ng sakuna? Anu-anong maaaring gawin upang matiyak na matatag ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda?

Inanunsyo ng DA na may nakahandang humigit-kumulang isang bilyong piso na tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Gagamitin ang pondong ito para mamahagi sa mga magsasaka ng binhi ng palay, mais, at high-value crops. Ang mga nag-aalaga ng hayop ay bibigyan ng pagkain para sa hayop. Fingerlings naman ang matatanggap ng mga mangingisda. Makauutang din ng hanggang ₱25,000 ang mga interesadong magsasaka at mangingisda mula sa Survival and Recovery Loan Program. Babayaran ito sa loob ng tatlong taon nang walang interes.

Pero may pangmatagalang solusyon din na kailangan. Isa sa mga ito ang pagpasa sa National Land Use Act (o NLUA), isang panukalang batas na halos 30 taon nang isinusulong! Patuloy ang panawagan ng iba’t ibang grupo na ipasa ito upang matiyak na ang paggamit ng lupa ay nakatutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, katutubo, at lokal na pamayanan. Itutuwid ng NLUA ang maling paggamit ng lupa na nagpapalala ng pagbaha, tagtuyot, at iba pang kalamidad, at nagdudulot din ng mas malalim na kawalan ng katarungan. Sa pamamagitan ng maayos na land use planning, mas magiging handa ang bansa, at mas mababawasan ang pinsala sa sektor ng agrikultura tuwing may sakuna.

Paulit-ulit na paghihirap ang dinaranas ng ating mga magsasaka at mahihirap tuwing may kalamidad, at lalala pa ito dahil sa mga super typhoon na madalas nang namumuo. Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng super typhoon dahil ito ay isang realidad na para sa ating bansa, ngunit sa pamamagitan ng tamang batas at wastong disaster response, kaya nating bawasan ang pagdurusa ng ating mga kababayan. Tandaan natin: climate change is a justice issue

Binibigyang-diin sa Laudato Si’ na ang climate change ay isang pandaigdigang problemang may mabibigat na epekto sa kapaligiran, lipunan, ekonomiya, pulitika, at pamamahagi ng yaman. Ang mga epekto nito ay unang nararamdaman ng mahihirap, at marami sa kanila ay umaasa sa agrikultura gaya ng mga kababayan nating magsasaka at mangingisda.

Mga Kapanalig, kailangan natin ng mga patakarang nagtatanggol sa ating likas-yaman at nagpoprotekta sa mga magsasaka at mangingisdang pinakaapektado taun-taon. Nakaugat ito sa Genesis 2:15: “Pinatira ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya para mag-alaga nito.” May tungkulin tayo, bilang indibidwal at sambayanan, na harapin ang epekto ng climate change at tiyaking walang naiiwan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 6,295 total views

 6,295 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 68,325 total views

 68,325 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 88,561 total views

 88,561 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 102,902 total views

 102,902 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 125,735 total views

 125,735 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 6,297 total views

 6,297 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 88,563 total views

 88,563 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 102,905 total views

 102,904 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 125,738 total views

 125,737 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 149,450 total views

 149,450 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 168,045 total views

 168,045 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 187,788 total views

 187,788 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 142,008 total views

 142,008 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 158,838 total views

 158,838 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 168,626 total views

 168,626 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »
Scroll to Top