Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 405 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Santisima Trinidad

Juan 3:16-18

Naikwento ko sa inyo minsan na may kakilala akong matandang ale na ang pangalan ay “Aling Trining”. Tinanong niya ako kung kilala ko daw ba iyung Santang pinagkuhanan ng parents niya ng pangalan sa kalendaryo—si Santa Trinidad. Natawa ako, siyempre. Sabi ko sa kanya, “sa Diyos ho kayo ipinangalan, Aling Trining.” Kaya hindi lang SANTA KUNDI SANTISIMA ang adjective o pang-uring gamit: hindi lang banal kundi kabanal-banalang pangalan ng Diyos. Kaya siguro umimbento ang mga Liturgists natin sa Pilipinas ng Tagalog na salita para sa Trinity (Unity of Three Persons): SANTATLO, para hindi ma-confuse ang mga katulad ni Aling Trining. Na ang Trinidad ay ang tawag natin sa ating Diyos na Pagkakaisa ng Tatlong persona (Ama, Anak at Espiritu Santo), kaya SANTATLO.

Kapag tayo ay nagtitipon para sumamba, magdiwang, kumain, atbp., binibigkas natin ang Ngalan ng Diyos na Santatlo sa ating pag-aanatanda. Ipinaaalala natin sa sarili na kapag tayo’y nagsasama-sama bilang mga alagad, ginagawa natin ito sa ngalan ng Diyos na lumikha sa atin sa hugis at wangis niya. Bakit? Para matuto tayong makipagkaisa sa ating kapwa tao sa paraang sumasalamin sa pagkakaisa ng Diyos. Ano ang ibig kong sabihin?

Sa Tagalog, kapag pinagsama ang ako at siya o sila, ang resulta ay KAMI. Pero kapag pinagsama ang ako at ikaw/kayo, ang resulta ay TAYO. Ano ang pagkakaiba ng KAMI sa TAYO? Kapag sinabing “Kakain KAMI sa labas,” ibig sabihin, siya at ako lang; hindi ka kasali, hindi kayo kasali. Kapag sinabing mamamasyal TAYO, kasali ka, kasama kayo.

Alam nyo ba na walang ganitong distinction sa Ingles? Ano ba ang KAMI sa Ingles? Edi WE. Ano ang TAYO sa Ingles? Edi WE pa rin. Pero malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Ang isa ay WE-EXCLUSIVE, and isa ay WE-INCLUSIVE.

Sa harap ng tao at daigdig, ang pagiging Banal na SANTATLO ng Diyos ay hindi KAMI, kundi TAYO. Nagkakaisa, pero iyung klase ng pagkakaisa na hindi sarado. Hindi exclusive kundi inclusive unity. Kasali tayo. At dahil nilikha tayo ng Diyos sa sariling hugis at wangis niya bilang Diyos na SANTATLO, upang makatulad natin siya, kailangan din nating matutunang makipagkaisa sa paraan niya—hindi nang-iiwan, hindi sarado, hindi makasarili. Lumalabas sa sarili, kaya walang tigil ang galaw, pag-unlad at paglaki.

Kailan at paano isinasalamin ng ating pakikipagkaisa ang pagkakaisa ng Diyos? Kapag natututo tayong makipagkaisa hindi lang sa kadugo o kapamilya, kakulay o kalahi, kapartido, katropa, karelihiyon, atbp. Marami sa mga nagiging sanhi ng hidwaan sa mundo ay rejection. Kapag ipinaramdam natin sa kapwa na hindi sila pwedeng isama o isali dahil hindi sila katanggap-tanggap. Kapag tinawag silang madumi, pangit, o itinuring na parang walang kuwenta silang tao.

Narito ang good news ng Banal na Santatlo: na ang Diyos ay Pag-ibig. Na sa Diyos ng pag-ibig, walang sinuman sa atin ang maaaring ituring na walang kuwenta. Paano bang maituturing na walang kuwenta ang tao gayong nagkatawang-tao ang Anak niya upang ang lahat ng tao’y maging kapamilya ng Diyos? Kaya binago ni HesuKristo ang kaisipan ng tao tungkol sa Diyos: hindi siya dapat ituring bilang Diyos na Tagahatol o Tagaparusa, kundi bilang Diyos na nagliligtas. (Iyon ang ibig sabihin ng pangalang HESUS—ang Diyos ay nagliligtas.) Hindi ang Diyos, kundi tayo mismo, ang magpaparusa sa sarili natin—kapag humiwalay tayo sa kanya.

Sa mga pagbasang narinig natin, may tatlong katangian ang pakikipagkaisa ng Diyos: una, bumababa upang makilakbay sa tao; pangalawa, laging handang magpatawad at magpuno ng pagkukulang. At pangatlo, laging lumalabas sa sarili upang magbigay-buhay, magbahagi.

Kahit sa sinumang kusang humihiwalay o lumalayo ang loob sa Diyos, hindi nagsasara ng pinto ang Diyos. Tulad ng Ama sa talinghaga ng prodigal son, hindi lang ang mga banal at matuwid ang mahal niya; hindi nalulubos ang kaligayahan niya hangga’t hindi bumabalik sa kanya ang mga pasaway. Tama si Moises sa dasal niya nang bumaba ang Diyos at kumausap nang harapan sa kanya, “Halina o Diyos at makilakbay ka sa amin sa kabila ng aming katigasan ng puso. Patawarin mo ang aming mga kasalanan at ariin mo kami bilang iyong sariling bayan.” Hindi tayo matutututong makipagkaisa sa kapwa-tao kung hindi tayo marunong bumaba, makilakbay, at magpuno sa pagukulang ng isa’t isa.

Kung si Pope Francis, bukambibig niya na ang Diyos na ipinakilala ni HesuKristo sa atin ay ang Diyos na nakikilakbay sa sangkatauhan, si Pope Benedict bukambibig naman niya na “Ang Diyos natin ay Pagibig.” At tayo ay natutulad sa ating Diyos kapag katulad ng Diyos ng Pagibig, tayo ay natututong lumabas sa sarili—lumilikha, tumutubos, nagpapapanatili at laging nagbibigay buhay.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 1,631 total views

 1,631 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 14,771 total views

 14,771 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 20,744 total views

 20,744 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 26,499 total views

 26,499 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 33,762 total views

 33,762 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 798 total views

 798 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 800 total views

 800 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,554 total views

 3,554 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,969 total views

 7,969 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,295 total views

 3,295 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,818 total views

 3,818 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,317 total views

 5,317 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,161 total views

 6,161 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,416 total views

 4,416 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,629 total views

 8,629 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,861 total views

 7,861 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,071 total views

 12,071 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,519 total views

 5,519 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,523 total views

 5,523 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,523 total views

 5,523 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top