Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“The very essence of Christmas is Jesus Christ”

SHARE THE TRUTH

 2,494 total views

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na si Hesus ay nananahan sa bawat isa sa kabila ng iba’t ibang karanasan ng tao.

Ito ang mensahe ng Arsobispo sa mamamayan sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Paliwanag ni Cardinal Advincula tulad ng mga pastol nawa’y maging masigasig ang bawat isa sa pagpupuri sa Panginoon na nag-alay ng Kanyang bugtong na Anak para matubos ang sanlibutan mula sa kasalanan.

“The very essence of Christmas is Jesus Christ, our Lord, and Savior, is with us and within us here and now even as many of us go through tough times; like the shepherds let us keep watch of his revelation, let us crossover beyond our selves towards his greater glory, and let us go in haste for mission,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon sa Cardinal, nawa’y suriin at pagnilayan ng mananampalataya ang diwa ng pagkakatawang-tao ng Salita ng Diyos at dinggin ang mensahe ng Panginoon sa bawat isa sa pamamagitan ng mga karanasan.

“Sa paskong ito magmasid tayo, let us contemplate the presence of Jesus in our brothers and sisters especially the needy and the suffering,” ani ng Cardinal.

Samantala kasabay ng pakikiisa ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay kinilala rin niya ang gawain ng Radio Veritas na kaisa sa misyon ng simbahang ipalaganap ang Salitang nagkatawang tao na diwa ng Pasko.

Binigyang-diin ng Nuncio na mahalagang ipagdiwang ng mananampalataya ang kapanganakan ng manunubos dahil ito ang pagpapadama ng Diyos ng dakilang pag-ibig sa sanlibutan.

“At Christmas time we rejoice and celebrate the fact that God in His immense love for us became a human being in the person of Jesus of Nazareth.” pahayag ni Archbishop Brown sa himpilan.

Panawagan naman ni Baguio Bishop Victor Bendico na huwag sayangin ang pagkakataong ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak.

Sinabi ng Obispo na nawa’y magsilbing aral ng karamihan ang karanasan ng pandemya na hindi lamang nakatuon sa materyal na bagay ang pagdiriwang ng Pasko kundi mas mahalaga ang pagiging malapit at damhin ang presensya ng Panginoon.

“We are meant for greatness. We are meant for more and more and more. We are meant for eternal life; Hence let us not waste the grace if the Incarnation. Let us not waste the love of God. Let us not waste his forgiveness for us, his peace for us.” pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 12,565 total views

 12,565 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 86,866 total views

 86,866 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 142,622 total views

 142,622 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 103,552 total views

 103,552 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 104,662 total views

 104,662 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 7,730 total views

 7,730 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567