Tree-planting isasagawa sa 400-years of Christianity ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

 637 total views

Maglulunsad ng tree planting activity ang Palawan bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa lalawigan.

Ayon kay Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, layunin ng proyekto na hikayatin ang mga mananampalataya na ipakita ang pagiging mabubuting katiwala ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng 400-punong-kahoy sa bawat parokya sa palawan.

Binubuo ng 64 na mga parokya at mission stations ang dalawang Apostoliko Bikaryato ng palawan kaya inaasahang makakalikha ito ng higit sa 25,000 punongkahoy na tiyak na makakatulong sa kalikasan.

“Sa ating pagdiriwang ng ika-400 na anibersaryo ng pagdating ng kristiyanong pananampalataya sa Palawan, [magtatanim] ang bawat parokya ng 400 na puno, ang ating ambag sa inang kalikasan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa kanyang pastoral letter.

Katuwang dito ng Apostolic Vicariate ng Taytay ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa na pinamumunuan ni Bishop Socrates Mesiona.

Samantala, iginiit naman ni Bishop Pabillo na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship na hamon sa bawat mananampalataya ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Sapagkat paliwanag ng obispo na nais ng Diyos na higit pang pagyamanin ang mga biyayang ipinagkaloob sa sangkatauhan.

“Bilang mabubuting katiwala, pinalalago natin ang mga biyaya Niya – hindi lang para sa ating sarili kun’di para din sa iba, kasi ang binibiyayaan ay pinagkalooban ng tungkulin na bahaginan din ang iba,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nauna nang sinabi ni Bishop Pabillo sa kanyang liham pastoral para sa Season of Creation na mahalagang pagyamanin at panatilihin ang mga likas na yamang likha ng Diyos upang patuloy na mapakinabangan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,374 total views

 9,374 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,038 total views

 42,038 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,184 total views

 47,184 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,370 total views

 89,370 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 104,884 total views

 104,884 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,526 total views

 3,526 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top