Tugunan ang pangangailangan ng mga guro, panawagan ng TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,108 total reads

Binigyang-pugay ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang bawat guro sa paggunita ng World Teachers Day sa October 5.

Ayon kay Benjo Basas – Chairperson ng TDC, napakahalaga ang pagdiriwang at pagkilala sa mga guro sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

“Marapat na ipagdiwang dahil itoy pagpapahalaga sa mga teacher natin, pagpapaalala sa madla, sa buong mundo na ang mga guro ay napakahalaga dahil humuhubog ng lipunan. Yung mga bata, tinuturuan na eventually sila rin yung henerasyon na magmamana ng ating society in the very near future,” pahayag ni Basas sa Radio Veritas.

Ipinaalala naman ng TDC na gamitin ang pagdiriwang sa World Teachers Day upang palakasin ang panawagan na matugunan ang mga suliranin sa sector ng edukasyon alinsunod sa batayan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

“Mas mainam sana na yung ating mga guro ay bigyan talaga ng sapat na pagkilala, ng maayos na pagtrato sa pamamagitan ng pag-provide doon sa aming pangangailangan especially in terms of mga socio-economic needs and status of our teachers,” ayon pa sa panayam kay Basas.

Unang kinilala at binigyan ng pagpupugay ng Catholic Educational Association of the Philippines ang mga guro sa paggunita simula pa noong September 5 ng World Teachers Month na magtatapos sa October 5 bilang paggunita sa World Teachers Day.

Ayon sa CEAP, sinabi ng Kaniyang Kabanalang Francisco na ang pagiging guro ay isang misyon na pinipili ng ilan upang ibahagi ang edukasyon sa nakararami.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 17,997 total reads

 17,997 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 36,917 total reads

 36,917 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 76,639 total reads

 76,639 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 110,767 total reads

 110,767 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 167,172 total reads

 167,172 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top