Tutukan ang Pagsasaayos ng irrigation canals, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,708 total reads

Hinikayat ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang pamahalaan na pagtuunan ang pagpapabuti sa mga irrigation canals bilang paghahanda sa epekto ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples, karamihan sa mga katutubong magsasaka ang nangangamba dahil maaapektuhan ng labis na tag-init ang kanilang mga taniman.

Dati nang nanawagan ang mga magsasaka sa National Irrigation Administration para tugunan ang pagkakaroon nang maayos na patubig sa mga sakahan.

Sinabi ni Bishop Dimoc na may ilang irrigation projects ang tinupad ng NIA ngunit karamihan naman sa mga ito ang hindi gumagana.

“Kung kulang ang tubig para sa mga farmers, tanungin ang NIA kung ano ginawa nila sa pangangailangan ng farmers na irrigation canals. May alam ako na irrigation canal projects na worth hundreds of millions pero hindi functional. Alam ‘yan ng Commission on Audit dahil nakipag-participate ako sa Participatory Auditing pero no one was held accountable.” pahayag ni Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-pansin din ng Obispo ang patuloy na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan kaya’t nababawasan na rin ang antas ng tubig sa mga watershed.

Iginiit ni Bishop Dimoc na dapat bantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat higit pa itong makadaragdag sa lumalalang epekto ng climate change kapag tuluyang naubos ang kagubatan at mapagkukunan ng tubig.

“Legal and illegal logging for several decades ang nangyayari kaya madali na gawing kaingin ang forest kasi wala ng malalaking puno. I know of an area na hundreds of hectares na Mossy Forest or Cloud Forest (high elevation na more than 1,000 meters above sea level) pero na convert into vegetable gardens.” giit ni Bishop Dimoc.

Taong 2019 nang huling umiral ang El Niño sa bansa kung saan nag-iwan ito ng halos P8-bilyong halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 211,175 total reads

 211,175 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 238,397 total reads

 238,397 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 272,519 total reads

 272,519 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 328,922 total reads

 328,922 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 184,471 total reads

 184,471 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top