2,634 total views
Binigyang diin ng BAN Toxics ang pagsusulong sa kaligtasan ng mga manggagawa laban sa epekto ng mga mapanganib na kemikal.
Ayon kay Thony Dizon, Toxics campaigner ng grupo, higit na mahalagang isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat manggagawa lalo na sa mga nagtatrabaho na lantad sa iba’t ibang uri ng kemikal.
“It is paramount that existing regulations on chemical safety including toxics elimination and substitution in products, product labeling, and accountability of manufacturers from the production, reuse, recycling, and disposal of their commodities are strictly implemented to protect workers from chemical hazards and reduce the incidence of chemically-induced accidents, illnesses and injuries, and death resulting in the use of chemicals at work.” pahayag ni Dizon.
Tinukoy ni Dizon ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na nagsasabing aabot sa mahigit isang bilyong manggagawa sa buong mundo ang lantad sa mapanganib na kemikal na posibleng maging sanhi ng iba’t ibang karamdaman.
Sa nasabing bilang, isang milyon ang nasasawi dahil sa cardiovascular disease, cancer, at respiratory diseases.
Batay naman sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong 2019, umabot sa higit 54-libo ang naitalang kaso ng occupational diseases sa mga establisimyento sa bansa.
Panawagan naman ni Dizon sa mga kinauukulan na higit pang pagtuunan ang pagtugon sa mga pagkukulang sa pagpapatupad ng mga panuntunan para sa kaligtasan ng mga manggagawa lalo na sa mga industriyang gumagamit ng iba’t ibang kemikal.
“The protection of workers from hazardous chemicals is essential, long recognized in ILO conventions. Yet, there is still the need for authorities to address regulatory gaps in chemical safety and strict implementation and the industries to guarantee chemical safety of their employees and take responsibility.” giit ni Dizon.
Kaugnay nito, naglabas ng panuntunan ang Department of Labor and Employment para sa pagpapatupad ng Globally Harmonised System sa chemical safety program sa mga lugar ng trabaho.
Hinimok din ng BAN Toxics ang Commission on Human Rights na muling suriin ang Human Rights Agenda on Chemical Safety para sa kapakanan ng bawat manggagawa at kaalaman ng publiko.
Nakasaad sa Katuruang Panlipunan ng simbahan na bagamat sang-ayon ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang matiyak na hindi ito magdudulot ng labis na pinsala sa kalikasan, at kalusugan ng tao.