17,755 total views
Higit 600-pamilya o 3,000 indibidwal ang nangangailangan ng tulong sa Arkidiyosesis ng Nueva Segovia sa Ilocos Sur matapos na maapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at Habagat.
Ibinahagi ni Caritas Nueva Segovia executive director, Fr. Danilo Martinez na lubhang naapektuhan ng kalamidad ang mga parokya ng Santa, Narvacan, Sta. Maria, Caoayan, at Vigan na pawang matatagpuan sa baybayin ng West Philippine Sea.
“The PSACs (Parish Social Action Centers) said that generally, the flood in these areas were knee-deep. It has affected 346 families in Sta. Maria, 200 families in Narvacan, 31 families in Vigan City, 24 families evacuated to higher grounds in Santa, [and] 8 families who were severely affected in Caoayan,” ayon sa inilabas na situation report ng Caritas Nueva Segovia.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng social arm ng arkidiyosesis sa mga parokya at lokal na pamahalaan para matukoy ang iba pang mga apektadong lugar at makapagbahagi ng tulong.
Nabanggit ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta sa pastoral letter para sa Archdiocesan Year of Charity ang panawagang suportahan ang mga layunin at programa ng Caritas Nueva Segovia upang matulungan ang mga higit na nangangailangan sa kinasasakupang kawan.
“Caritas Nueva Segovia is dedicated to promoting social justice, providing aid to the marginalized, and advocating for the rights and dignity of every person. Your support-whether through volunteering, donations, or prayer-will significantly enhance their ability to serve our community and manifest God’s love in concrete ways,” ayon kay Archbishop Peralta.
Sa mga nais magpaabot ng cash donations, maaari itong ipadala sa PNB account na The Roman Catholic Bishop of Nueva Segovia sa account number na 2236-1003-4375 o kaya’y sa GCash account na Danilo Martinez sa 0917-125-2732.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga mapagsamantalang ginagamit ang pangalan ng simbahan upang makapanlinlang ng kapwa.