Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ugnayan ng tao sa Diyos, naibalik sa pamamagitan ng Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

 558 total views

Muling naibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos dahil sa pagsang-ayon ng Birheng Maria sa plano Nito.

Ito ang pagninilay ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista–Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Del Pilar sa Our Lady of the Pillar Cathedral Parish o Imus Cathedral.

Ayon kay Bishop Evangelista, dahil sa pagtugon ni Maria sa plano ng Diyos na maging ina ng manunubos, isinilang ang tagapagligtas at muling naibalik ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos, na nawala dahil sa kasalanan.

Paliwanag ng Obispo, na dahil kay Jesus na ating tagapagligtas, ang mga makasalanan ay natubos sa kasamaan at naging bagong sambayanan ng Diyos, bilang mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan.

“Sa pamamagitan ng Birheng Maria, Birheng del Pilar, naibalik ang ugnayan ng tao sa Diyos. Sa isinilang n’yang tagapagligtas, tayo’y naging bagong bayan ng Diyos,” pagninilay ni Bishop Evangelista.

Hinikayat din ng Obispo na ang bawat isa nawa’y makapamuhay sa pagmamalasakitan, pagtutulungan at pagmamahalan lalo na ngayong panahon ng krisis pangkalusugan.

“Inaasahan ng Diyos na humirang sa atin, tumawag sa atin para maging bagong bayan Niya na tayo’y mabuhay sa bukluran, mamuhay tayo sa pagmamahalan, pagmamalasakitan. That we live in communion with one another,” ayon sa Obispo.

Tinagurian bilang Nana Pilar, ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Oktubre ang kapistahan ng Mahal na Birheng del Pilar – ang patrona ng Diyosesis ng Imus at buong lalawigan ng Cavite.

Ginawaran ito ng Canonical Coronation noong ika-3 ng Disyembre, taong 2012, sa pangunguna ng noo’y Obispo ng Imus at ngayo’y Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 34,521 total views

 34,521 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 48,580 total views

 48,580 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 67,152 total views

 67,152 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 91,754 total views

 91,754 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 17,797 total views

 17,797 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567