Unang anibersaryo ng Healing Church of the Risen Christ, ginunita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,080 total reads

Muling nagpasalamat si healing priest, Fr. Joey Faller sa mga mabubuting pusong tumulong upang maipatayo ang Healing Church of the Risen Christ sa Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon.

Kasabay ito ng unang anibersaryo ng pagtatalaga sa bahay-dalanginan na ipinagdiwang sa pamamagitan ng Misa pasasalamat na pinangunahan ni Lucena Bishop Mel Rey Uy.

Ayon kay Fr. Faller, maituturing na biyaya ng Diyos ang makapagpatayo ng simbahan upang tanggapin ang mga mananampalatayang naghahangad ng kagalingan mula sa Panginoon.

“Talagang napakahirap magpagawa ng simbahan sa panahon ng pandemya, na wala kang koleksyon, walang taong sumisimba, at talagang ito ay itinayo ng mga may karamdaman para sa mga may karamdaman,” pahayag ni Fr. Faller sa panayam ng Radio Veritas.

Tinagurian bilang healing dome, ang Healing Church of the Risen Christ ay natapos at itinalaga noong November 21, 2022, at mayroong kakayahang tumanggap ng higit 1,000 mananampalataya.

Hinikayat naman ni Fr. Faller ang mga mananampalataya na dumalaw at magsimba sa healing dome upang tanggapin ang biyaya at kagalingan ng Panginoon.

“Mga kapanalig, manalig kayo na may magandang plano ang Diyos sa inyo. Manalig kayo na mahal kayo ng Diyos. Manalig kayo na kaya kayong pagalingin ng Panginoon ano man ang inyong mga karamdaman, ano man ang inyong pinagdaraanan. Pumunta lang po kayo rito at damhin ang pagpapagaling ng Panginoon. Walang imposible sa Panginoon. Manalig ka, pinagaling ka dahilan sa iyong pananalig,” ayon kay Fr. Faller.

Araw-araw, tuwing alas-nuebe ng umaga ay isinasagawa sa Kamay ni Hesus ang Healing Mass sa pangunguna ni Fr. Faller.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 155,145 total reads

 155,145 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 186,243 total reads

 186,243 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,367 total reads

 220,367 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,773 total reads

 276,773 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 182,206 total reads

 182,206 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top