473 total views
Naalarma na ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care sa lumalaganap na vigilante killing sa bansa dahil sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Rudy Diamante, executive secretary ng komisyon, nakakaalarma at nakakatakot na inilalagay na ng mga tao sa kamay ang batas.
Iginiit ni Diamante na ang vigilante killing ay isang barbaric way at hindi makakalutas sa problema ng bansa sa krimen at droga.
Inihayag ni Diamante na dumagdag pa sa maraming problema ng bansa ang pag-usbong ng mga vigilante.
“It is alarming that some people have taken the law into their hands. It is a barbaric way of addressing crime and does not really solve the problem. The vigilantes have become part of the problem and not part of the solution,” pahayag ni Diamante sa panayam ng Radio Veritas.
Kinumpirma ni PNP spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos na 316-katao na ang napatay sa unang 28-araw ng Duterte administration.