244 total views
Isusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng dagdag na pondo sa mga programang pangkalusugan ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa Senador, marapat na matukoy ng national government kung sino ang mga maliliit at pinaka naghihirap na barangay upang mas mabigyan ito ng karampatang atensyon.
“Yung mga walang kakayanan na LGU sila pa normally ang pinaka malaki ang problema pagdating sa nutrisyon, as of this point normally ang pinanggagalingan ng tulong ay galing sa national government so that’s why, nag-pa-file tayo ng batas and to make sure that these laws are being allocated budget dahil hindi naman tama o hindi naman maganda kung may batas, wala namang pondo,”pahayag ni Gatchalian sa Radyo Veritas.
Binigyang diin naman ng Senador na mapalad ang Pilipinas dahil may sapat na karanasan si President Rodrigo Duterte sa paglilingkod bilang Mayor ng Davao City.
Naniniwala ito na mayroon ring kaparehong programa si President Duterte at susuporta ito sa anumang hakbang na magbibigay benepisyo sa mamamayan.
“Mapalad tayo dahil ang ating kasalukuyang Pangulo ay matagal naging Mayor, at dahil naging punong lungsod sya, kung ano yung nakita namin as former mayors, nakita nya rin yon. I believe that our president understands these problems and he knows what type of solution we need to address these problems,” Dagdag pa ni Sen. Gatchalian.
Umaasa rin si Sen. Gatchalian na magkaroon siya ng pagkakataon upang mailahad sa Pangulo ang mga programang ipinatupad sa Valenzuela City at mabibigyan ng sapat na pondo ang mga feeding centers na nais ng senador na ipatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa ilalim ng Presidential Decree number 491 o Nutrition Act of the Philippines, layunin ng National at Local Government na bigyan ng komprehensibong nutritional program ang mga malnourished na bata sa kanilang pamayanan.
Samantala, noong 2015 batay sa nakalap na datos ng Food Policy Research Institute mula sa National and Local Government ng Pilipinas binigyan nito ng 20.1 points ang ating bansa at batay sa Global Hunger Index ang puntos na ito ay nangangahulugang malubha na ang antas ng kagutuman sa Pilipinas.
GLOBAL HUNGER INDEX SCORE EQUIVALENT < 9.9 Low level of hunger 10 - 19.9 Moderate level of hunger 20 - 34.9 Serious level of hunger 35 - 49.9 Alarming level of hunger. Sa Laudato Si ni Pope Francis, ikinalungkot nitong dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at ng lipunan ay hindi na naisasaalang-alang ang masamang epekto at kahirapang idinudulot nito sa mamamayan.