Visayas Prelates, lumagda sa Caritas Bamboo Forest project.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,939 total reads

Lumagda sa kasunduan ang Caritas Philippines, Archdiocese of Capiz, Archdiocese of Jaro, at Diocese of San Carlos upang pagtibayin ang Caritas Bamboo Forest Project sa mga lalawigan ng Capiz, Iloilo, at Negros Occidental

Pinangunahan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang paglagda sa Memorandum of Agreement, katuwang sina Caritas PH vice-president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, at national director Fr. Antonio Labiao, Jr.; Capiz Archbishop Victor Bendico; at Jaro social action director Msgr. Meliton Oso.

Kabilang din sa mga lumagda ang mga kinatawan mula sa Provincial Government of Capiz, Department of Environment and Natural Resources-Capiz, at Capiz State University.

Ayon kay Fr. Labiao na bukod sa pagkilos upang maipalaganap ang layunin ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco, inaasahan ding ang proyekto ay makatutulong upang pagmulan ng hanapbuhay sa mga pamayanan, at lalo’t higit ang mapigilan ang lumalalang climate crisis.

“It’s really to participate or to contribute to the whole program of Laudato Si’-a care for our common home… It’s really to be part of the whole Catholic Church effort to care for our common home. Makikita natin in concrete, in three dioceses and enhancing biodiversity conservation and climate change mitigation,” pahayag ni Fr. Labiao.

Inihayag naman ni Capiz SAC director Fr. Mark Granflor na ang programa ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay magiging epektibong hakbang tungo sa pangangalaga at pagpapanatili sa mga kagubatan sa tatlong lalawigan sa Western Visayas.

Dagdag pa ni Fr. Granflor na ito’y nagsisilbi ring paalaala sa bawat isa upang maging mas responsableng tagapangalaga at katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

“This is a reminder for us to be more appreciative and responsible to God’s creation,” ayon kay Fr. Granflor.

Saklaw ng Caritas Bamboo Forest Project ang nasa 32.9-ektaryang lupain upang pagtaniman ng nasa 7,300 bamboo seedlings sa Agnaga, Cuartero, Capiz; Balabag, Anilao, Iloilo; at sa Villacin, Cadiz City, at Punao, San Carlos City, Negros Occidental.

Katuwang ng Caritas Philippines sa proyekto ang United States Agency for International Development o USAID at Gerry Roxas Foundation.

Umaasa ang institusyon na mapapalawig ang proyekto sa 86-diyosesis sa buong bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikipag-ugnayan sa mga pamayanan, pamahalaan, at mga pribadong sektor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 115,575 total reads

 115,575 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 149,810 total reads

 149,810 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 183,941 total reads

 183,941 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 240,345 total reads

 240,345 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 181,056 total reads

 181,056 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top