Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,556 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig na naglingkod at nagbantay sa katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon kay PPCRV Spokesperson Ms. Ana De Villa Singson, kahanga-hanga ang determinasyon at kahandaang maglingkod, ng mga PPCRV volunteer na handang mag-alay ng kanilang panahon at lakas upang matiyak ang katapatan, kaayusan at kapayapaan ng halalan bilang pagpapamalas ng kanilang pagmamahal sa bayan.

Ipinaliwanag ni Singson na mahalaga ang tungkuling ginampanan ng may 350,000 PPCRV field volunteers at 10,000 nakibahagi sa audit ng PPCRV sa Command Center nito upang patuloy na matiyak ang pag-iral ng demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan.

“We thank our 350,000 volunteers on the field, the over 10,000 who helped us audit in our PPCRV Command Center. To each and every one of you, THANK YOU! Your service to God and country is unparalleled, each one of you is a true hero!” Bahagi ng pahayag ni Singson sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Singson, nakabatay ang pangkabuuang ulat ng PPCRV kaugnay sa nakalipas na halalan sa mga transmitted votes na natanggap ng PPCRV mula sa COMELEC Transparency Service, mga physical Election Returns na nakolekta ng mga PPCRV field volunteers at mga ulat mula sa mga PPCRV Coordinators at Precinct Poll Watcher Volunteers sa buong bansa.

“PPCRV’s 2025 National and National Elections report is based on primary source data sourced from Transmitted Votes to our Transparency Server, Election Returns from Automated Counting Machines/ Precincts Nationwide, Reports from our PPCRV Coordinators and Precinct Poll Watcher Volunteers. With 350,000 volunteers in precincts nationwide, we have “boots on the ground” who directly witnessed the elections on a wide and in-depth scale. Read of their written accounts and also of the results of PPCRV’s Unofficial Parallel count which audited over 61K elections returns…the biggest audit of the 2025 Philippine elections.” Dagdag pa ni Singson.

Una ng binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang halalan ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan upang iprayoridad ang kapakanan at kinabukasan ng bayan na isang pagkakataon rin upang isulong ng bawat mamamayan ang isang lipunan kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, katotohanan at pagmamalasakitan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,797 total reads

 10,797 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,924 total reads

 10,924 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,960 total reads

 19,960 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,366 total reads

 76,366 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,867 total reads

 199,867 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,241 total reads

 284,241 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top