Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wage hike sa mga manggagawa, inirekomenda ng labor group at IBON foundation

SHARE THE TRUTH

 714 total views

Patuloy na pasakit sa mga manggagawa at mahihirap na pamilyang Pilipino ang hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito ang pahayag ng labor group na ‘SENTRO ng Nagkakaisa at Progresibong manggagawa’ at think tank group na ‘IBON FOUNDATION’ matapos maitala ng Philipine Statistics Authority ang mabilis na 4% inflation rate para sa buwan ng Marso 2022 kumpara sa mababang 3% lamang noong Pebrero.

Nangangamba si Sonny Africa – Executive Director ng Ibon Foundation na ito na ang epekto ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Ito na ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa giyera sa Ukraine. Lalung lumalaki ang tsansa na tataas sa 3-4% ang inflation para sa buong taon, sa ngayon ay pinakamataas na ang inflation sa PH sa buong Timog-Silangang Asya,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.

Nanawagan naman si Rolly Czar Joseph Castillo, Labor Education and Research Head ng Sentro na ipatupad ng pamahalaan ang “Transport Service Contracting” upang matiyak na mayroong kikitain ang mga Public utility vehicle driver.

Hiniling din nito ang pagpapababa ng singil sa kuryente upang umayon at maging sapat ang kita ng mga manggagawa sa kanilang mga gastusin.

“We think the reported inflation rate in March 2022 gives more urgency to our policy package: Transport service contracting, lowering the cost of electricity,” pahayag ni Castillo sa Veritas Patrol

Apela ng SENTRO at Ibon Foundation sa pamahalaan ang pagkakaroon ng financial subsidy para sa mga manggagawa sa maliliit na negosyo at pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Inirekomenda din ni Castillo at Africa na napapanahon nang taasan ang sahod ng mga manggagawa upang masuportahan ang kanilang pamumuhay.

Una ng ipinanalangin ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ang ikabubuti ng kalagayan ng mga mamamayang nakakaranas ng labis na paghihirap ng dahil sa mga suliraning dulot ng pandemya at digmaan sa Ukraine.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 15,514 total views

 15,514 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 23,829 total views

 23,829 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 42,561 total views

 42,561 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 58,812 total views

 58,812 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 60,076 total views

 60,076 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 2,978 total views

 2,978 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 10,588 total views

 10,588 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top