Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang cover-up

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Ito ang tiniyak ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa “Pope’s letter to People of God” kaugnay sa findings ng Pennsylvania Grand Jury sa sexual abuse ng mga pari.

Sinabi ni Bishop Santos na nagsalita na si Pope Francis na kailangang pakinggan at sundin ng mga Pari, religious at consecrated persons.

“Rome has spoken. We must listen and much more Obey.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Ayon kay Bishop Santos, napapanahon ang taimtim na pagdarasal, pag-aayuno at penetensiya tungo sa paghilom ng mga sugat.

“Yes it is time for Deep prayer, Contrite penance, Concrete help and Healing to all.” pagninilay ni Bishop Santos.

Inamin ng Obispo na nakakahiya at kasalanan ang sexual abuse ng mga taong Simbahan.

Ayon sa Obispo, nararapat na arugain ng may malasakit ang mga biktima ng sexual abuse at kailangang i-canonically sanctioned ang mga pari na nasa likod ng krimen.

“Sexual abuse is shameful and sinful. Victims be cared with compassion. And perpetrators be canonically sanctioned and rule of civil law must be applied.” Giit ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Kinumpirma ng Obispo na mayroon nang direktiba ang Vatican at mayroon na ring protocol ang CBCP kaugnay sa sexual abuse ng mga Pari.

“There was directive from Vatican. And CBCP has already protocol about this.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Inihalintulad naman ni Father Jerome Secillano ,executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang pahayag ni Pope Francis sa isang ama na lubhang nasaktan sa kasalanan ng mga anak.

“Pope Francis spoken like a father who is hurt by his children’s misdeeds.” pahayag ni Father Secillano

Kinatigan din ni Father Secillano ang pahayag ni Pope Francis na dapat manguna ang mga opisyal ng Simbahang Katolika para mapanagot at maparusahan ang mga paring nasasangkot sa sexual abuse.

“The Pope allays fear of a cover-up in Cases of Clerical Sexual Abuse. Very clearly, his concern is to make the guilty pay for their crime and to help the victims move on from a Dark Past. Church authorities should take the lead of the Pope in making priest-perpetrators be accountable for their misdeeds.” paglilinaw ni Father Secillano.

Sinabi ni Pope Francis sa kanyang letter to the people of God na sama-samang nagdurusa ang lahat sa kasalanan ng iilan.

Hinihikayat ni Pope Francis ang lahat na makiisa sa pagdarasal, pag-aayuno at ang pagbabalik loob sa Diyos.

Ayon kay Greg Burke, director ng Holy See Press Office, ang panawagan ng Santo Papa ay para sa lahat at hindi lamang sa mga pang-aabusong naiulat mula sa Ireland, Estados Unidos at Chile.

Read more : Pope’s Letter to People of God: We Abandoned Our Little Ones, No Efforts Must Be Spared to Prevent Abuses and Cover Up

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 18,298 total views

 18,298 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 31,040 total views

 31,040 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 50,964 total views

 50,964 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 56,681 total views

 56,681 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 63,694 total views

 63,694 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top