Word Conference 2021, isasagawa ng Claretian Missionary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 466 total views

Inaanyayahan ng Claretian Missionary ang mananampalataya sa gaganaping Word Conference 2021 sa Nobyembre.

Sa pahayag ng Claretian Communications Foundations, Inc. sa pamumuno ni Fr. Julius Jose Coching, CMF ibinahagi nitong layunin ng pagpupulong na mabuksan ang kamalayan ng mananampalataya hinggil sa misyon bilang bahagi ng kristiyanong pamayanan.

“The participants of this year’s Word Conference are called to return to our roots, to be renewed to our resolves and to revitalize our responsibilities. It is a call to be grateful of the gift, to recommit to the gift and to be charitable with the gift as we do mission through new evangelization,” bahagi ng pahayag ng Claretian Communications.

Tema ng WordCon 2021 ang ‘Gifted to Give: “A gift opens the way and ushers the giver into the presence of the Great” na isasagawa sa November 29 at 30 sa alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ito ang paraan ng Claretian missionary na mabigyang pag-asa ang mamamayan na puno ng pangamba at alinlangan bunsod ng nangyayari sa paligid lalo na ng coronavirus pandemic.

Pagtuunan ng pansin sa WordCon ang paksang ‘Kaloob, na Sinasaloob at Ipinagkaloob’ na hango sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa.

Nais nitong pagnilayan ng mamamayan ang mga kaloob tulad ng mga kwento ni Hesus sa Mabuting Balita, mga kaloob sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga awitin, mga kaloob na palatandaang itinatag sa mga simbahan at dambana, at ang kaloob ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng debosyon ng mananampalataya.

Ito sentro ng talakayan sa dalawang araw na pagpupulong online sa pamamagitan ng zoom na mapapanuod sa facebook pages ng Claretian Missionaries at Radyo Veritas Ph.

Umaasa si Fr. Coching na maging mabunga at higit na mahimok ang mananampalataya na isabuhay ang misyon bilang kristiyano na ipalaganap si Kristo sa pamayanan.

Ang WordCon ay inisyatibo rin ng Bible Apostolate of the Claretian Missionaries – Philippine Province sa pagdiriwang ng ika – 75 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas.

Sa mga nais lumahok sa WordCon 2021 makipag-ugnayan lamang sa Claretian Communications Foundation, Inc kay Geraldine Vireynato at Analyn Dayandante sa telepono (02) 8921-3984 local 103 o mag-email sa [email protected] at bisitahin ang official website www.wordcon.ph.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 78,745 total views

 78,745 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 108,968 total views

 108,968 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 135,618 total views

 135,618 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 230,591 total views

 230,591 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 246,483 total views

 246,483 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top