180 total views
Hindi pabor ang Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform na si Prof. Ramon Casiple sa resibo sa mga balota.
Ayon kay Veritas 846 senior political advisor Casiple, maliban sa karagdagang P500-milyong pondo na gugugulin dito, magdadagdag din ng 3 hanggang 5 oras ito sa pagbasa sa boto sa operasyon ng halalan sa Mayo a-9.
“Random manual audit, nagpapatunay kung ang balota ay binabasa ng tama. Manually binabasa ‘yun…Pag may nakitang printed na resibo, siyempre iisipin counted ‘yung balota. Magastos ang papel for resibo, P500 Million, nagdadagdag ng 3-5 hours depende sa pagbasa sa boto plus ‘yung printing out ng resibo. Impractical at hindi ganoon ka-secure. ‘Yung usapin dito, it will cost time and not full-proof security, kung idadagdag mo. It’s not worth it.” Pahayag ni Casiple sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, ayon sa kay Casiple, maaaring magamit sa vote buying ang balota, resibo at actual na record sa pagta-tally kung makukuhanan ito ng litrato.
“Sabi ng Supreme court, ang resibo ang balota because you can look at it anytime. Pag may pinasok dito sa balota, photographed ‘yun. Ang balota, resibo, at actual na record, pagna-tally, walang daya if photographed. Pero pwede din itong gamitin sa vote buying. Pwede gawin ng bayaran.” Dagdag pa ni Casiple.
Target ng National Printing Office na maglimbag ng isang milyong balota kada araw hanggang sa deadline nito sa Abril a-26, 2016 upang makapag print ng 52 milyong balota.
Una ng nanawagan ang ilang obipos ng Simbahang Katolika sa mamamayan na iboto lamang ang mga kandidatong maka-mahirap, maka-kalikasan at maka-Diyos.