80 bansa, nakibahagi sa “one million children praying the rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,936 total reads

Umaasa ang pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) na sa pamamagitan ng pagbubuklod sa pananalangin ay makamit ang inaasam na kapayapaan at pagkakaisa sa buong daigdig.

Ito ang mensahe ni ACN Philippines national director Max Ventura kaugnay sa matagumpay na One Million Children Praying the Rosary for Unity and Peace na ginanap sa Minor Basilica and Parish Cathedral of the Immaculate Conception o Malolos Cathedral ng Diyosesis ng Malolos noong October 18, 2024.

Ayon kay Ventura, patuloy na itataguyod ng institusyon ang tatlong haligi nito na panalangin, impormasyon, at aksyon, na nagsisilbing gabay upang higit na magampanan ang misyong ipagtanggol at tulungan ang mga Kristiyano sa buong mundo.

“Nanghihikayat kami sa mga nananampalataya na magkaisa sa ilalim ng prayer, information, and action. Ang One Million Children Praying the Rosary ay isang pamamaraan ng pagkakaisa sa ilalim ng panalangin, lalo na sa ating mahal na Rosaryo, bilang paghingi ng indulgence at intercession ng ating Holy Mother for peace and unity, not just in our country but worldwide,” pahayag ni Ventura sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa huling tala ng ACN Philippines, nasa humigit-kumulang 200,000 kabataan sa buong bansa ang nakiisa sa sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo, habang tinatayang nasa humigit-kumulang isang milyon naman ang kabuuang bilang ng mga nakilahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Patuloy na hinihikayat ni Ventura ang lahat na ipagpatuloy ang pananalangin, lalo na para sa mga kapwa-Katoliko na hindi malayang naipahahayag ang pananampalataya.

“Ang pagdarasal po ng Rosaryo ay isang pamamaraan ng ating pakikiisa sa kanila. Sana tayo’y patuloy na magdasal ng mahal na Rosaryo upang maipahatid natin ang ating pakikiisa sa kanila, at nawa’y magbunga ito ng kapayapaan at pagkakaisa sa ating lahat,” saad ni Ventura.

Pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang One Million Children Praying the Rosary sa harapan ng canonically crowned image na Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos.

Napapanahon ang gawain sapagkat ipinagdiriwang din ang ika-25 anibersaryo ng pagkakaloob sa Malolos Cathedral bilang minor basilica.

Tema naman ng worldwide prayer event ngayong taon ang “Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad”.

Unang inilunsad ang inisyatibo noong 2005 sa Caracas, Venezuela, at ipinalaganap ng ACN sa buong mundo noong 2008 kung saan umabot na sa mahigit 80-bansa ang nakikibahagi sa malawakang pananalangin.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 5,920 total reads

 5,920 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 16,973 total reads

 16,973 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 57,857 total reads

 57,857 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 91,984 total reads

 91,984 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 148,390 total reads

 148,390 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,175 total reads

 178,175 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top