Huwaran ng sambayanang Filipino ang dapat ilibing sa LNMB-Fr. Pascual

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Mga huwaran o modelo ng sambayanang Filipino lalo na ng mga kabataan ang dapat lamang ihimlay sa Libingan Ng Mga Bayani.

Ayon kay Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, pangulo ng Radyo Veritas, bagamat isang “corporal acts of mercy” ang ilibing ang mga pumanaw na isang tungkulin at hamon para sa mga Kristiyano, sa kaso ng dating pangulo hindi ito nararapat dahil nakasulat na sa kasaysayan ang mapait na ginawa nito sa sambayanang Filipino noong Martial Law.

Pahayag ng pari, ang mga inililibing sa LNMB ay mga role model ng kasalukuyang panahon.

“Katatapos lang ng closing ng Year of Mercy natin at alam naman natin na isang corporal acts of mercy ang bury the dead, isang tungkulin at hamon para sa mga Kristiyano. Sa kaso ni dating Pangulong Marcos ang paglilibing sa kanya, nararapat ba sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB)? Kontrobersyal yan na nagiging dahilan ng paghahati muli ng ating bansa na nakakalungkot kaya tayo sa Simbahan lahat ay nagdarasal. Nililibinng natin ang namatay, tungkulin nating Kristiyano yan. Pero kay Marcos karapat-dapat ba siyang ilibing sa LNMB? Dito siguro natin makikita ang God the power of symbol. Malaman ng tao na ang sementeryo na ito ay hindi lang libingan kundi sumasagisag at ating binibigyan ng pugay at kahalagahan ang mga bayani ng ating bansa na nagbigay halimbawa at modelo sa ating lahat. At sa puntong ito naniniwala tayo sa Simbahan na hindi karapat dapat ang dating Pangulong Marcos na bagamat ginagalang natin siya na ilibing dito sa LNMB, dahil ang LNMB ay kumakatawan ng isang malalim na simbolo ng mga Filipino na nagbuwis ng buhay at masasabi nating huwaran at maaring tularan ng ating mga kabataan na naghahanap ng role model, ” Pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Pascual, na hindi rin dapat balewalain ang matagal na ipinaglaban ng Simbahan at ng sambayanang Filipino noong EDSA People Power Revolution.

“Alam natin matagal tayong nakipaglaban diyan, ang pinaglaban ng Simbahan for the last 20 years of Martial Law, maraming namatay na mga Filipino, even mga pari… ng kawalang katarungan, kapayapaan, human rights violations laganap, ito nga ang ating struggle for justice na nag-culminate ng Edsa revolution, led by Cardinal Sin, kaya tayo sa Simbahan at paggalang na rin sa mga loyalist ng dating Pangulong Marcos hindi pwedeng ilibing si Marcos sa LNMB,” ayon pa sa pari.

Gayunman, ayon kay Fr. Pascual, bilang mga Filipino kailangan sumunod tayo sa itinatakda ng batas bagamat sinasabing ito ay limitado o may mga butas.

“Pero sa ating batas, kailangan igalang din natin, ang problema sa batas natin, bagamat nasa demokratiko tayong bansa we have to respect the rule of law but we must also accept the reality that the law is limited…to what is written and what can be proven,” ayon pa sa pari.

Payo ni Fr. Pascual sa mga nakatatanda na ipaliwanag sa mga kabataan ngayon ang kasaysayan upang malaman nila kung bakit hindi nararapat na mailibing si Marcos sa LNMB at upang ipabatid na rin na hindi pa tapos ang mga kaso ng mga Marcos kaya’t wala pang katarungan na nakakamit ang sambayanang Filipino.

“Siguro maganda ipaliwanag natin ang kasaysayan ano ang tingin ng mga kabataan sa nangyayaring ito. Dapat tayong nakatatanda na nakaranas ng Martial Law tayo kaya ipinaglaban natin ang katotohanan at katarungan dahil sa mga nagawang mali ng Martial Law era na hindi dapat maulit at patuloy pa ang ating struggle for justice, di pa naman tapos ang mga kaso nila, sabi nga ni (Imee Marcos) at patuloy nating ipaglalaban ang mga biktima ng Martial Law. We have to learn from history, hindi natin dapat kalimutan ang kasaysayan, ayaw nating mangyaring muli ang Martial Law,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Noong Biyernes naihimlay na sa LNMB si Marcos.

Noong Martial law, naitala ng Amnesty International ang may 70,000 tao na ikinulong, 34,000 ang biktima ng torture at 3,240 ang pinatay mula 1972 hanggang 1981.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,638 total views

 31,638 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,790 total views

 54,790 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,904 total views

 124,904 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,518 total views

 199,518 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 277,242 total views

 277,242 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 144,919 total views

 144,919 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 310,278 total views

 310,278 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top