Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manindigan, panawagan ng One Faith One Nation One Voice sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,560 total views

Nanawagan ang One Faith One Nation One Voice sa mananampalataya na sa paggunita sa adbiyento at pasko ay pagnilayan ang maaaring magawa o maiambag sa bayan.

Ayon sa grupo na ginagabayan ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, mahalagang gamiting pagkakataon ng bawat isa ang panahon ng adbiyento upang makaambag sa pagkamit ng hinahangad na kaunlaran at kapayapaan sa bansa.

Pinayuhan ng One Faith One Nation One Voice ang mamamayan na huwag magbulag-bulagan sa nagaganap sa lipunan na kinakailangang tugunan upang maisaayos at maitama.

One Voice calls the nation to think again on what will make for peace this Christmastide. As Advent calls us into a time of anticipation, we as Filipinos, are encouraged to open our eyes to fully recognize and observe the realities around us.” Ang bahagi ng pahayag ng One Faith One Nation One Voice.

Ibinahagi ng grupo na ang Adbiyento ay dapat magsilbing hudyat upang mawakasan ang pagsasawalang bahala sa kapakanan ng bayan at ng kapwa.

Iginiit ng One Faith One Nation One Voice na napapanahon na upang mawakasan ang karahasan at kawalan ng katarungan tulad ng red-tagging, extra-judicial killing, at ang hindi makatwirang pag-aresto at pagditine sa mga hinihinalang sangkot sa iba’t ibang mga kaso sa kabila ng kawalan ng ebidensya at due process.

“Advent should disturb our indifference. Continuing violations to life and other fundamental human rights should not be justified through unjust laws. Reminiscent of the time before the first Christmas, threats, attacks, and harassments are common against those who speak out against injustice and violence, such as red-tagging, arbitrary arrests and detention, disappearances, and extra-judicial killings.” Paglilinaw ng grupo.
Umaasa ang One Faith One Nation One Voice magsilbing daan ang Adbiyento upang maihanda ang bawat isa sa pagsapit ng pasko.

Kaugnay nito, hinihikayat din ng grupo ang bawat isa na makibahagi sa isinasagawang Simbang Gabi at Misa de Gallo bilang paghahanda sa papalapit na Pasko ng Pagsilang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 41,154 total views

 41,154 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 86,877 total views

 86,877 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 89,087 total views

 89,087 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 160,967 total views

 160,967 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 170,476 total views

 170,476 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top