Guanella Center, nagpasalamat sa Radio Veritas at Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,434 total views

Nagpapasalamat ang Guanella Center, Inc. sa mga ipinamahaging tulong ng Radio Veritas at Caritas Manila para sa 35 kabataang mayroong ‘special needs’ na kinakalinga at tinutulungan ng institusyon.

Sa ginanap na outreach program at gift giving ng kapanalig na himpilan at social arm ng Archdiocese of Manila, namahagi ito ng diapers, grocery, food packs, at gift certificate sa mga magulang na mayroong inaalagaang special children.

Ayon kay Guanella Center persons with disability social worker Sr. Elsa Malinao, RSW, malaking ginhawa para sa institusyon at pamilya ang mga natanggap na tulong upang mapagaan ang ilang gastusin na kinakailangan sa mga special children.

“Napakalaking bagay po ‘yon. Napaka-thankful po namin. Ako po ang laki ng pasasalamat ko, alam naman po natin kung gaano ka-tight ngayon ‘yung budget ng bawat isa. So, ‘yung pag-respond pa lang ng Caritas Manila at Radio Veritas sa amin ay napakalaking blessing na po siya,” pahayag ni Sr. Malinao sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Sr. Malinao na pagsubok ang pag-aalaga sa mga may kapansanan sa pag-iisip, dahil kailangan dito ang mahabang pasensya at higit na pang-unawa sa kanilang kalagayan.

Ipinaliwanag ng madre na kapag ito’y natutunan at naisapuso ay magiging madali at magaan na ang tungkuling maturuan at matulungan ang mga mayroong special needs.

“Yakapin mo, tanggapin mo ‘yung buong-buo nila. Kasi kumbaga, sino pa ba ang magmamahal sa kanila kun’di kami-kami rin lang naman… Every day is a learning kasi kumbaga, ikaw sa sarili mo na madi-discover mo na napakablessed mo kasi kumpleto ka. Madidiscover mo sa sarili mo na mas nakakaintindi ka,” ayon kay Sr. Malinao.

Ang Guanella Center ay itinatag noong 1999 at pinamamahalaan ng Missionary Religious Congregation of the Servants of Charity o Guanellians na ang layunin ay kalingain ang mga mahihirap na kabataang mayroong kapansanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 8,749 total views

 8,749 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 33,065 total views

 33,065 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 68,855 total views

 68,855 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 110,614 total views

 110,614 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 163,269 total views

 163,269 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top