Katarungan sa mga biktima ng drug war ng dating pangulong Duterte, umuusad na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,897 total views

Naniniwala ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na unti-unti ng gumugulong ang katarungan para sa mga biktima ng war on Drugs ng dating administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., kaugnay sa desisyon ng International Criminal Court’s (ICC) na tuluyan ng ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war killings sa Pilipinas.

Ayon sa Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), bagamat ilang taon na ang nakalipas ay muli ng nabubuhayan ng pag-asa ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng war on drugs na makamit ang katarungan at mapanagot ang mga nasa likod ng marahas na kampanya ng nakalipas na administrasyon laban sa ilegal na droga.

“The wheels of justice turn ever so slowly. But it turns towards justice and accountability. The victims are not forgotten. We hope and pray that the perpetrators are made to face the consequences of their inhuman actions.” pahayag ni Fr.Buenafe.

Matatandaang batay sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan naitalang aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay.

Kaugnay nito kabilang ang Task Force Detainees of the Philippines at Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa mga institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 57,796 total views

 57,796 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 57,796 total views

 57,796 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 57,796 total views

 57,796 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,027 total views

 56,027 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,170 total views

 51,170 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top