Mamamayan hinimok ng Obispo na isabuhay ang “No Meat Friday”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,803 total reads

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na muling suportahan ang “No Meat Friday” campaign ng simbahan.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference Philippines—Episcopal Office on Stewardship sa pagsisimula ng Kuwaresma o Lenten season ngayong taon.

Ayon sa Obispo, magandang isulong at isabuhay ng bawat mananampalataya ngayong Kuwaresma ang pag-iwas sa pagkain ng mga karne tuwing Biyernes na bahagi na rin ng pag-aayuno at pangingilin.

“Alam nating masarap’yung karne at gusto nating kumakain nito. Pero ito ang paraan ng pagpe-penitensya natin na huwag kumain ng karne tuwing Biyernes bilang pag-alaala sa pagpapakasakit at paghihirap ng ating Panginoon,” pahayag ni Bihshop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ang pagkain ng karne o pagkaing may mukha ay napatunayan na ng mga eksperto na pangunahing pinagmumulan ng iba’t ibang karamdaman sa katawan.

Inihayag ng Obispo na makakatulong din ang “No Meat Friday” campaign sa pagsusulong ng adbokasiya ng simbahan laban sa epekto ng climate change.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang pag-aaral ng mga eksperto na ang animal agriculture ay nangungunang dahilan ng greenhouse gases na nakakaapekto sa pagtaas ng temperatura ng daigdig.

Nanawagan ang Obispo sa lahat na sikapin at simulang isabuhay ang pagkain ng prutas at gulay na bukod sa masustansiya sa katawan ay makatutulong din sa pagpapabuti at pangangalaga sa inang kalikasan.

“Mas makabubuti sa ating mga sarili ang pagkain ng mga prutas at gulay dahil maraming makukuhang sustansiya at bitamina rito para mas maging malakas ang ating katawan. Kaya sana suportahan natin itong No Meat Friday campaign hindi lang tuwing Kuwaresma kun’di mas magandang isabuhay na natin ito,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang No Meat Friday ay tradisyong sinusunod ng mga katoliko tuwing panahon ng Kuwaresma bilang bahagi ng pag-aayuno at pangingilin.

Pinaigting ito ng Radio Veritas noong 2011 upang isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng tao, at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

UNDAS 2026, generally peaceful

 36,032 total reads

 36,032 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 13,381 total reads

 13,381 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 62,093 total reads

 62,093 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 111,844 total reads

 111,844 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 271,042 total reads

 271,042 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 297,580 total reads

 297,580 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 187,028 total reads

 187,028 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top