Locally-made jeepney, giit ng transport sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,537 total views

Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa.

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong sa ekonomiya.

“Kami po sa PISTON ay hindi tutol sa balangkas ng modernization, ang nilalaban po namin bakit hindi yung sariling local industry na gumagawa ng mga jeep ang tulungan ng pamahalaan. Kung tayo po ay aangkat ng aangkat ng modernized mini bus hindi po ang ating ekonomiya ang pinapaunlad kundi yung ekonomiya ng mga dayuhan at malalaking bansa,” pahayag ni Floranda sa Radio Veritas

Giit ni Florando mas makatutulong sa hanapbuhay ng mga Pilipino ang pagsuporta sa lokal na gumagawa ng jeep gayundin mapanatili ang kasalukuyang porma ng traditional jeepney na bahagi ng kultura sa bansa.

Panawagan ng PISTON sa pamahalaan lalo na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na linawin ang franchising guidelines sa pagpatupad ng modernization program.

Hindi naman lumahok sa tigil pasada ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa katwirang makadadagdag lamang ito sa pasanin ng mga pasahero gayong pagpapabuti sa sektor ng transportasyon ang pinag-uusapan.

Ayon kay LTOP President Lando Marquez dapat magtulungan ang mga tsuper at pasahero na ipanawagan sa pamahalaan ang pagpapabuti sa pampublikong transportasyon sa kapakinabangan ng mamamayan.

Batay sa datos nasa 200-libong traditional jeep ang apektado ng modernization program o katumbas sa 40 porsyento sa kabuuang bilang ng mga sasakyang pangunahing ginagamit ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,413 total views

 27,413 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,427 total views

 77,427 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,296 total views

 73,296 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 108,954 total views

 108,954 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 115,993 total views

 115,993 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top