Caritas Philippines, magpapadala ng tulong sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,201 total views

Magpapadala ng tulong at suporta ang NASSA/Caritas Philippines para sa mga residenteng apektado ng oil spill sa Mindoro.

Ayon kay Calapan, Oriental Mindoro Diocesan Social Action director Fr. Edwin Gariguez, nangako ang humanitarian at social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na tutulungan ang nasa 250 pamilyang apektado ng pagtagas ng langis.

“NASSA Caritas Philippines has committed to support 250 affected families with food packs that will be made available to the unreached and most needy affected coastal communities,” ayon kay Fr. Gariguez.

Sinabi ni Fr. Gariguez na magkakaroon ng pagpupulong ang DSAC at ang mga apektadong parokya sa St. Augustine Parish sa bayan ng Pinamalayan sa Marso 14, 2023 para sa pagkukumpleto ng mga makakatanggap ng tulong.

Magbibigay rin ng food items at emergency assistance ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) at ang Center for Energy, Ecology and Development (CEED).

“This stand by relief goods will be temporarily stored in the available space in St. Francis of Assisi Quasi Parish for distribution once the beneficiaries list has been finalised and operation plan has been set up hopefully by next week,” saad ng pari.

Nakikipag-ugnayan din ang simbahan sa mga lokal na pamahalaan at Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga higit na apektadong pamayanan.

Pebrero 28, 2023 nang tumaob ang MT Princess Empress na naging dahilan ng patagas ng langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Sa kasalukuyan, isinailim na sa state of calamity ang walong bayan (Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao) dahil sa pinsala ng oil spill, at upang matulungan ang mga kinauukulan na makapagbahagi ng tulong sa mga pamayanang apektado ng sakuna.

Idineklara din ang state of calamity sa bayan ng Caluya, Antique dahil sa oil spill.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,246 total views

 27,246 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,260 total views

 77,260 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,129 total views

 73,129 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 108,791 total views

 108,791 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 115,839 total views

 115,839 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top