Pangangalaga sa kalikasan, simulan sa sarili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,892 total reads

Hinimok ng Living Laudato Si Philippines ang mamamayan na simulan sa sarili ang pangangalaga sa kalikasan upang hindi maranasan ng sektor ng ekonomiya ang epekto ng climate change.

Ito ang mensahe ni John Leo Algo – Deputy Executive Director ng Living Laudato Si Philippines sa paggunita ng Earth Hour 2023.

“Simple ang mensahe ng “Earth Hour”: Lahat tayo ay apektado ng anumang krisis sa ating kapaligiran at kalikasan, lahat tayo ay may kakayahan na makatulong sa pag-aalaga ng ating nag-iisang tahanan, dapat nating gamitin ang pagkakataong ito bilang panibagong paalala sa ating lahat na magsagawa ng mga solusyong makatutulong sa pagresolba ng mga isyung pangkapaligiran at pagkamit ng ating pag-unlad,” mensahe ni Algo sa Radio Veritas.

Paanyaya pa ni Algo sa mamamayan na paigtingin ang pananawagan sa korporasyon na iwaksi ang anumang uri ng gawaing magpapalala sa polusyon.

Kasabay ito ng pag-apela sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang pangangalagaan ang kalikasan.

“Dapat tayong magtulungan sa pagsasagawa ng mga proyekto at gawaing nakahanay sa likas-kayang kaunlaran; malaki man o maliit ang sukat, mahalaga ang bawat aksyon,” bahagi pa ng mensahe ni Algo.

Noong 2022, umabot sa 18-bagyo ang nanalasa sa Pilipinas kung saan ang Bagyong Paeng ang pinakamalaking pinsala sa agrikultura na umabot sa 2.86-bilyong piso.

Habang umabot naman sa mahigit 50-milyong piso ang pinsala ng mga pagyanig ng lupa na naitala noong nakalipas na taon.

UNDAS 2026, generally peaceful

 18,563 total reads

 18,563 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 33,731 total reads

 33,731 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 83,483 total reads

 83,483 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 242,676 total reads

 242,676 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 269,837 total reads

 269,837 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 302,579 total reads

 302,579 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top