Suporta sa mga biktima ng pang-aabuso sa kalikasan, tiniyak ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,748 total views

Tiniyak ng Commission on Human Rights ang patuloy na pagtataguyod sa karapatan ng mga biktima ng pang-aabuso sa kalikasan.

Ayon kay CHR Policy Officer Vincent Leo Gamboa, nakahandang tumulong ang komisyon sa pamamagitan ng legal assistance sa mga apektado ng mga proyektong pumipinsala sa kalikasan.

Tinukoy ni Gamboa ang mga katutubo na nakakaranas ng pang-aabuso at pagbabanta lalo na ang mga Agta-Dumagat-Remontado mula sa lalawigan ng Rizal at Quezon dahil sa itinatayong Kaliwa Dam Project.

“Sa bahagi ng mga indigenous peoples kasi maraming iba-ibang issue. So, for example, kung ‘yung mga proyekto ay nagli-lead to displacement ng mga IPs, meron po kaming Center for Crisis, Conflict, and Humanitarian Protection sa loob ng CHR na sila naman po ‘yung nagha-handle sa internal displacement issues ng IPs natin,” pahayag ni Gamboa sa Radio Veritas.

Samantala, umaasa naman si Ricardo Turgo ng Samahan ng mga Katutubong Agta na Pinagtatanggol at Binabaka ang Lupaing Ninuno (SAGIBIN-LN) na dinggin at tugunan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang matagal nang panawagang pangalagaan ang mga lupaing ninuno laban sa mga mapaminsalang proyekto.

Iginiit ni Turgo na hanggang ngayon ay walang natatanggap na pagpapasya ang grupo mula sa pamahalaan kaugnay sa kanilang mga ipinapanawagan.

“Hindi po talaga kami titigil hanggang walang resulta ‘yung pagsusulong namin doon sa pagtatanggol sa aming kalikasan. Na sana ito ay makaabot sa kanila at sana sa pagkakataong ito ay pagkaisahan natin ‘yung magkakatulad nating hinaing at alam ko namang hindi Dumagat lang ‘yung maaaring maapektuhan kung hindi natin pipigilan ang mga proyektong makakasira sa ating kalikasan,” ayon kay Turgo.

Marso 23, 2023 nang manawagan ang Rights of Nature Philippines Movement, sa pangunguna ng Philippine Misereor Partnership, Inc kasama ang Caritas Philippines at iba pang makakalikasang grupo, para sa pagdedeklara ng climate emergency sa bansa.

Kasabay nito ang panawagan sa pagsusulong sa Rights of Nature Bill na layong pagtuunan ang karapatan ng inang kalikasan upang matugunan ang matagal nang suliranin sa krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,763 total views

 19,763 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,768 total views

 47,768 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 65,568 total views

 65,568 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,744 total views

 64,744 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,767 total views

 175,767 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 10,355 total views

 10,355 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top