Simbahan, bukas sa pakikipagtalakayan sa mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,442 total views

Naniniwala ang opisyal ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs na kinakailangan ang masusing talakayan sa mga mahahalagang polisiya sa bansa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng komisyon, bukas ang simbahan sa pakikipag-usap sa mga mambabatas para sa mga isinusulong na panukala lalo na ang pinag-uusapang divorce bill.

Sinabi ng pari na mahalagang maunawaan ng mamamayan at maipaliwanag sa mga mambabatas ang paninindigan ng simbahang katolika hinggil sa usapin.

“Yung willingness ng simbahan nandodoon, yung mga bagay na ganito dapat naman talaga pinag-uusapan in the interest of the Filipinos hindi naman ito interes ng simbahan, interes ito ng bawat pamilyang Pilipino, interes ng ating lipunan kaya dapat talaga pag usapan natin ito upang maiparating sa taumbayan kung ano ang dapat nilang mapakinggan na katotohanan,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Kamakailan ay tinalakay ng senado sa pangunguna ni Senator Risa Hontiveros ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang panukalang diborsyo at iginiit na napapanahong isabatas ito para sa kapakinabangan ng kababaihang biktima ng pang-aabuso.

Noong Pebrero inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations ang House Bill 1593 o ang Church Nullity Act of 2022.
Iginiit ni Fr. Secillano na bukas ang simbahan sa pakikipagtalakayan.

“Always willing naman talaga tayo pero kinakailangan may invitation kasi hindi naman tayo pwede mag gate crash sa hearing,” ani Fr. Secillano.

Dagdag ng opisyal na gumawa na rin ito ng iba’t ibang position paper na isinumite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa usapin ng SOGIE, Divorce at iba pang panukala na may paninindigan ang simbahan.

Tanging Pilipinas at Vatican ang mga bansang nanatiling illegal ang diborsyo sa buong mundo.
Batay sa resulta ng Veritas Truth Survey noong 2018, 52-porsyento ang pabor sa panukalang diborsyo kaya’t pinaiigting ng simbahan ang mga hakbang sa pagpapaliwanag sa kasagraduhan ng pag-aasawa na mahalagang pundasyon sa bawat pamilyang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 25,336 total views

 25,336 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 53,341 total views

 53,341 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 71,141 total views

 71,141 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 70,109 total views

 70,109 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 180,728 total views

 180,728 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 9,278 total views

 9,278 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top