Pakinggan ang tawag ng panginoon-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,236 total reads

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Stewardship ang mananampalataya na pakinggan ang tawag ng Panginoon.

Ayon sa Obispo, bawat binyagang kristiyano ay may nakaatang na tungkuling nararapat gampanan sa mundo.

Umaasa si Bishop Pabillo na matutuhang mapakinggan ng tao ang tinig ng Diyos na tumatawag upang maglingkod sa kanya.

“Palagi nating pinapakinggan ang tawag ng Diyos. Sana nga pinapakinggan natin siya at hindi lang ang gusto natin o ang hilig natin. May gustong ipagagawa ang Diyos sa atin.” pahayag ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng obispo ang taglay na kasanayan ng bawat isa na ipinagkaloob ng Diyos upang gamitin sa pagmimisyon at paglilingkod sa kapwa.

Ito ang mensahe ng opisyal sa paggunita ng World Day of Prayer for Vocations kasabay ng Good Shepherd Sunday nitong April 30.

Sinabi ni Bishop Pabillo na pangunahing bokasyon ng mananampalataya ang pagbubuklod tungo sa pagkakamit ng biyayang handog ng Panginoon habang ang bawat isa ay tinatawag sa kanya-kanyang bokasyon tulad ng pagpapari, relihiyoso o pagpapamilya.
Hinikayat ng punong pastol ng Taytay na palalimin ang pananalangin upang higit mapakinggan ang Diyos na nagsasalita sa tao.

“Ang mas malalim na dasal ay ang ating pakikiisa sa Diyos upang mapakinggan natin ang kanyang sasabihin sa atin.” ani Bishop Pabillo.

Bukod pa rito ang pagbabasa ng Bibliya kung saan nilalaman ang mga Salita ng Diyos na nagbibigay buhay at nagpapalakas sa tao.

Tuwing ikaapat na Linggko ng Pasko ng Pagkabuhay ay ginugunita ng simbahan ang World Day of Prayer for Vocations kung saan ngayong taon tema ng padiriwang ang “Pray the Lord of the harvest to send laborers into his harvest” na hango sa ebanghelyo ni San Mateo at San Lucas.

Apela ng simbahan sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang pagkakaroon ng mas maraming bokasyon sa paglilingkod bilang mga pastol ng simbahan sa Pilipinas kung saan sa kasalukuyan ay nasa sampung libo ang mga paring naglingkod sa 80-milyong katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 27,026 total reads

 27,026 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 135,138 total reads

 135,138 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 179,808 total reads

 179,808 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 202,014 total reads

 202,014 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 237,736 total reads

 237,736 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top