P7.5 B, nakolekta ng BOC sa isang araw

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,582 total reads

Naitala ng Bureau of Customs (BOC) ang pinakamataas na nakolekta sa loob ng isang araw.

Ayon sa adwana, April 28 ay nakakolekta ito ng P7.510 bilyon na mas mataas ng P1.436 bilyon o 23.64 porsyento sa dating rekord na P6.074 bilyon, na naitala noong Oktobre 14, 2022.

Nagpapasalamat naman si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa mga kawani at stakeholder ng ahensya sa kanilang masigasig na pagtratrabaho na nagreresulta sa magandang performance ng BOC.

Noong Abril ay muling nalagpasan ng adwana ang kanilang target nitong makolekta.

Umabot ito sa P68.274 bilyon, mas mataas sa target nitong P68.199 bilyon.

Sinabi ni Rubio na sa unang apat na buwan ng taon ay nakakolekta na ang adwana ng P281.902 bilyon lagpas ng 6.29 porsyento o P16.682 bilyon sa target nitong P265.220 bilyon.

Mas mataas naman ito ng 10.89 porsyento sa nakolektang P254.226 bilyon sa unang apat na buwan ng 2022.

Ang mataas na koleksyon ay dulot ng magandang valuation sa mga non-oil importation, ayon sa Revenue Collection Monitoring Group – Financial Service ng BOC.

Ang kita ng BOC ang isa sa pinanggagalingan ng pondo na ginagamit ng gobyerno sa implementasyon ng mga programa at proyekto nito.

Kasabay ng mataas na koleksyon ay pinaigting din ng BOC ang kanilang pagbabantay laban sa mga produkto na iligal na ipinapasok sa bansa.

Kamakailan ay sinira ng BOC-Port of Zamboanga ang P1.439 bilyong smuggled na sigarilyo na sinasaksihan ng mga kinatawan ng BOC, Commission on Audit, lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Tiniyak rin ni Rubio ang maigting na pagganap ng BOC sa tungkulin alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na higpitan ang mga border control measure sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 209,271 total reads

 209,271 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 236,535 total reads

 236,535 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,657 total reads

 270,657 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 327,060 total reads

 327,060 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top