Sama-samang pagdarasal, sandata laban sa kasamaan ng Satanic temple

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,520 total reads

Hinimok ng Military Ordinariate of the Philippines ang mananampalataya na paigtingin ang pagdarasal upang labanan ang mga kasamaang lumalaganap sa pamayanan.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio kinakailangan ang taimtim na pananalangin sa Panginoon para wakasan ang mga gawaing naglalayo sa ugnayan ng Diyos at ng tao.

Ito ang tugon ng obispo sa ginanap na SatanCon ng Satanic Temple sa Boston Estados Unidos noong Abril.

“Tayo ay magdasal palagi ng rosaryo every day. We need to pray without ceasing because the devil is just prowling lion ready to devour,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Bishop Florencio ang iba’t ibang gawaing laganap sa pamayanan na nagpapahina sa pananampalataya na isang paraang siluin ang tao tungo sa landas ng kadiliman.

Sa ginanap na pagtitipon nilapastangan ng grupo ang mga sakramento, ang katawan ni Kristo at ang Bibliya kung saan nakalathala ang mga Salita ng Diyos.

Una nang humiling ng panalangin sa mananampalataya ng Office of Exorcism ng Archdiocese of Manila para sa kahalintulad na mga gawain ng SatanCon na lubhang mapanganib sa espiritwalidad ng tao.

Partikular na tinukoy ng Office of Exorcism ang St. Michael Chaplet kung saan si St. Michael the Archangel ang tinaguriang lumalaban sa kasamaan.
Ang Chaplet of St.Michael ay tinatawag ding Rosary of Angels na inaprubahan ni Pope Pius IX noong 1851.

Ilan sa mga grasyang matatanggap sa pagdarasal ng chaplet ang pagtatanod ng mga anghel tuwing tumatanggap ng Banal na Komunyon, at ang patuloy na paggabay ng mga anghel sa buhay at kamatayan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 209,295 total reads

 209,295 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 236,558 total reads

 236,558 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,680 total reads

 270,680 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 327,083 total reads

 327,083 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top