Bigyang halaga ang kasaysayan, panawagan ng CBCP-ECY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,862 total reads

Gamitin ang mga aral na mapupulot sa kasaysayan tungo sa sama-samang pagunlad bilang nag-iisang lipunan.

Ito ang buod ng mensahe para sa mga Pilipino higit na sa mga kabataan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) sa paggunita ng buong buwan ng Mayo bilang National Heritage Month.

Tiwala ang Obispo na sa pamamagitan ng pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas ay mapanatili ng mga kabataan at susunod na henerasyon ang hitik na kultura ng ating bansa na pinatibay ng mahabang pakikipaglaban ng mga bayani para sa kalayaan.

“Ang kaganapan ng sarili at ng ating buhay ay hindi nangyayari sa isang iglap– ito ay proseso, isang paglalakbay, kaya kung anuman at sino man tayo ngayon, ito ay bunga ng mahabang paglalakbay, pakikipagsapalaran, pagtuklas, pagkabigo, pagdiriwang, pagiging isang bayan, at iba pa, tayo ay nabubuhay at ang kahulugan ng buhay ay hindi lamang sa ‘pagkakaroon’ (having), kundi sa ‘pagiging’ (being and becoming),” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo sa mga kabataan na ang pagaaral ng kasaysayan ay paraan upang higit na mahalin ang Pilipinas.

Sa pamamagitan nito ay mapupukaw ang mga susunod na henerasyon na isulong ang tama para sa kapakanan ng kapwa at susunod na magmamana ng kasaysayan.

“Ito ay yaman at kuwento nating lahat, walang sinuman ang makapagsasabi na siya ito, o siya lamang ang may kagagawan nito, ito ay para sa lahat at ito ay pinagbabahaginan, kaya naman ang pag-iingat at pagpapayaman ng kultura ay hindi gawaing mag-isa, hindi lamang ito usapin ng mga may kapangayarihan, may kakayahan o nasa mabuting kalagayan, ito ay para sa lahat, ito ang kuwento at yaman ng lahat,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alarcon.

Ngayong taon, itinalaga ng National Commission for Culture and the Arts kasama ang National Heritage Committee ang temang “Heritage: Change and Continuity” bilang paggunita sa National Heritage Month.

Ito rin ang ika-20 taong pag-alala sa Presidential Proclamation No.439 series of 2003 upang gunitain, alalahanin, at ipagdiwang ang mayamang kultura’t kasaysayan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 203,857 total reads

 203,857 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 231,270 total reads

 231,270 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 265,391 total reads

 265,391 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 321,795 total reads

 321,795 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top