Big brother-Small brother strategy ng DENR, tinutulan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,441 total views

Tinutulan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang planong “big brother-small brother” strategy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang plano ng DENR ay pansamantalang solusyon lamang at hindi ganap na matutugunan ang pinagmumulan ng mga suliranin tungkol sa pagmimina sa Pilipinas.

“Large mining companies are motivated by profit, and they will only be willing to help small-scale miners for as long as it is profitable for them to do so. Once the profits start to dry up, they will likely abandon the small-scale miners, leaving them in a worse position than they were before,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Naunang inilarawan ni DENR Secretary Tony Yulo-Loyzaga na ang binabalak ng ahensya ay makakatulong upang mapalakas ang mga small-scale miners at mapahusay ang katatagan ng mining communities.

Bagay na kinontra ni Bishop Bagaforo dahil mabibigyan pa lalo ng pagkakataon ang mga malalaking kumpanya na ipagpatuloy ang mining operations sa bansa habang patuloy na naghihirap ang mga apektadong pamayanan.

“The big players will continue to extract resources from the communities without giving anything back in return,” ayon sa Obispo.

Iminungkahi naman ng Obispo na sa halip na ipatupad ang “big brother-small brother” strategy, makabubuting suportahan na lamang ng DENR ang pagpapatupad ng mining moratorium sa bansa; at pagsasabatas sa Alternative Minerals Bill na magsusulong para sa ‘sustainable use of mineral resources’.

Gayundin ang pagsasabatas sa Rights of Nature Bill na mas magbibigay ng pagkakataon upang kilalanin ang karapatan ng kalikasan at ecosystem ng bansa.

“We believe that these measures are necessary to protect the environment and the people from the destructive effects of mining,” saad ni Bishop Bagaforo.

Naunang kinundena ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang plano ng DENR

Read: https://www.veritasph.net/big-brother-small-brother-strategy-ng-denr-kinundena-ng-obispo-ng-bataan/

Napag-alaman sa ulat ng Mining Industry Coordinationg Council na ang sektor ng pagmimina at quarrying ay nag-aambag lamang ng isang porsyento sa Gross Domestic Product ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 44 ang bilang ng mining company sa Pilipinas kung saan 37 rito ang nagsasagawa ng operasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,765 total views

 21,765 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,779 total views

 71,779 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,648 total views

 67,648 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,516 total views

 103,516 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,977 total views

 110,977 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top